Author's Note

53.8K 1.2K 539
                                    

Hindi ko ma-describe 'yung experience ko sa pagsusulat ng Falling for the Billionairess. Basta kakaiba siya. I've never had as much fun writing anything and it was partly because Ash and Meredith were such vibrant characters (to me) and Ash is... Ash. Kakaiba talaga siya.

Also, it's because of you, the readers. Hindi ko akalaing ganito ka-overwhelming ang magiging response ninyo sa kwentong sinimulan ko lang kasi natawa ako kay Ash n'ung unang magpakilala siya sa 'kin. Pero from the moment he opened his eyes habang nakahiga siya sa hospital bed niya, minahal ko na siya at inisip kong sana mahalin din siya ng mga magbabasa.

May mga nagsasabing "sana mahaba pa ito", "sana hindi na ito matapos". N'ung sinimulan kong i-post si Ash, may outline na ako ng mga scenes niya from start to finish. Nasunod ko ang outline na 'yun and the chapter before this is the last chapter on that outline.

I had to end the story arc there kasi kung hindi, wala na akong komportableng paglalagyan ng ending ng kwentong ito na hindi maiistorbo ang flow n'ung susunod na arc. Yes, may susunod na arc. I have a rough outline for Ash and Mere's time as an engaged couple pero hindi ko masisimulan 'yun nang hindi ko alam ang kwento mula simula hanggang sa dulo. Ayokong mag-post ng update para lang makapag-post ng update. Gusto ko maganda naman at may saysay ang update because I owe the characters that. I owe the readers that. And I owe myself that. Kaya kailangan kong tapusin ang book na ito sa point na 'yun. Also, almost 170,000 words na siya O_O medyo nakakaloka na siya sa haba ahahaha

Isa pa, sa mga nagre-request ng POV ni Mere. If you have any scenes na gusto niyo ng POV niya, please post it at the comments section. Baka kasi hindi ko magawan 'yung buong story, baka 'yung mga crucial scenes lang like 'yung first time nilang magkakilala, etc. Let me know whatyou want to see. I'll try to take time to write them down. Try ha... kasi may dayjob ako at kailangan kong magtrabaho. Please be patient ehehe

Isa pa, I'm going to start editing this book. Daig pa kasi ninyo ako, never ko pa nabasa ang libro na 'to nang buo so ibig sabihin mapapangiwi ako sa mga errors ko rito. May mga mababago, lalo na kung loop hole, pero the story will stay the same, pramis.

And Kuya Lex? Again, hindi ko pa alam ang plot ni Kuya Lex. May idea na ako pero ulit, gusto ko naman ay 'yung fun siyang plot, 'yung fun isulat at fun basahin.

Another thing pala, ang tanong ng mga readers kay Ash ay "may lalaki bang ganito?". Ash is actually a combination of traits from every guy I know. May guy na kasing sweet niya, kasing charming niya, kasing yabang pero lovable niya, kasing yaman niya, kasing balahura niya mag-drive noon, kasing bait niya sa kuya, kasing tindi ng sepanx kapag nahihiwalay sa girlfriend, etc. Kung may lalaki bang tulad talaga ni Ash? Hindi ko alam, pero umaasa ako.

Again, thank you very, very, very much for choosing to give this book a chance, sa mga votes at comments at messages na hindi ko man nasagot lahat ay na-appreciate ko pa rin. Kakaiba kayo. Salamat and God bless.

See you sa book 2 ^_^ 

Falling for the Billionairess (Published by Bookware)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon