Epilogue

34 4 0
                                    

Eashana's Pov

Natapos namin ang college, pare-pareho kaming naging professional.

Sa mga nakalipas na taon, wala nang naging magulo. May kaunting tampuhan pero hindi na katulad no'n.

At napangiti ako dahil...

May Dalawang grupo akong nakilala, Dalawang grupo ang nabuo, Dalawang grupo na may pare-parehong kakayahan, talino, talento, galing at tapang.

Mga grupo na pom-rotekta sa 'kin, mga grupo na mga g'wapo.

Ang dalawang grupo na 'yon ay hindi ko aasahan na makikila ko-ang dalawang grupo na...

WHITE at BLACK DRAGON.

WHITE, dahil daw sa unang letra ng mga pangalan nila.

Wendell, Herron, Izene, Troi at Exell.

BLACK, dahil din sa mga unang letra ng mga pangalan nila.

Barnes, Lao, Amare, Cyrell at Keane.

Ngayon, alam ko na kung bakit 'yon ang pangalan na ginamit nila no'ng sumayaw sila.

Sila ang grupo na hindi ako iniwan at pinabayaan at ngayon, pare-pareho at sabay-sabay silang naglalakad palapit sa 'kin.

Magkaka-akbay at nakangiti silang lahat, para rin' ang bagal ng mga lakad nila. Pare-pareho pa sila ng mga suot, iba-iba lang ang style.

Suot nila ang mga damit na sinuot nila no'ng sumayaw sila no'ng Intrams sa high school. Pati ang ayos nila no'n ay gano'n.

Pakiramdam ko, binabalik nila ang nakaraan.

Nang mahinto sila sa harap ko ngumiti silang lahat kaya ngumiti rin ako.

"Ano? Handa na ba?" Si Izene,

Lumapit siya sa tabi ko at inayos ang stand camera at sinet niya 'yon sa 10 seconds.

"Remembrance, matagal na tayong nagka-kasama pero wala man tayong larawan." Si Lao.

Napatawa kami dahil sa sinabi niya. Naramdaman ko naman ang paghila nila sa 'kin.

Dinala nila ako sa gitna. Katabi ko si Herron kasunod sina Troi at sa kabila ko si Amare at kasunod sina Keane.

"Umayos na kayo," si Izene, tsaka niya pinindot ang button at mabilis na tumabi kay Wendell.

Magkaka-akbay ang ayos namin pero ako naka-peace sign lang.

White plain dress na hanggang hita at white rubber shoes ang suot ko.

Nang alam namin na magfa-flash na ang camera, ngumiti na kami.

~ THE END ~













"What the end?"

Si Herron,

"Tss, hindi pa nga kami nagsisimula. Mas'yado namang bitin."

Nilingon niya sina Wendell na nagtatakbuhan papasok sa loob ng bahay.

Ang sabi ni Amare, kami lang daw ang p'wede sa bahay na 'to.

Gusto ko naman dahil sila lang ang naging kaibigan ko. Naging kaibigan ko rin naman ang iba, pero iba sila, iba 'yong kami lang.

"Hindi p'wedeng matatapos ng ganito." Inangat ko ang tingin sa kan'ya.

Hindi na nila kami pansin dahil nagkakatuwaan sila. Naramdaman ko na lang ang paghila niya sa beywang ko at idinikit ako sa kan'ya.

"To kiss you."

Hindi pa ako nakakapagsalita nang maramdaman ang labi niya sa labi ko.

Tinugunan ko naman agad. Mahigpit ang yakap ko sa leeg niya, gano'n din siya sa beywang ko.

Ang totoo, gustong-gusto kong hinahalikan si Herron-kung noon, nagagalit ako, ngayon, gusto ko na.

Nahihiya lang din ako... at alam kong hindi naman kailangan lagi.

Hindi naghihiwalay ang mga labi namin sa pagpapalitan ng halik.

Hindi ko naman aasahan na kay Herron ako mapupunta-hindi ko rin pinagsisihan.

Akala ko si Amare na, akala ko sa kan'ya, akala ko sa isang mahabagin ako mahuhulog pero sa isang walang puso ako napunta.

He's My Compassionless.

A Compassionate A CompassionlessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon