Chapter 1

120 15 54
                                    

Introduction                                    

Ako si Eashana Esler, senior year high school ng Holy Angel University.

Simula nang mawala si Mama at Papa, namuhay ako kasama sina Tita Maricel at Tito Edward na kaibigan nila. Kaya ang anak nila‘ng si Amare Monter ay kaibigan ko rin—simula pagka-bata.

Naging mag-kaibigan ang mga magulang namin dahil no‘ng manganganak na raw si Tita Maricel kay Amare, nagkataon na wala si Tito Edward, kaya tinulungan sila nila Mama.

At buti na lang daw, nadala agad si tita sa hospital, dahil kung hindi, wala si Amare, wala akong kaibigan na mabait at protective.

Matanda rin siya sa ‘kin ng limang buwan.

March siya, ako August.

Sila rin ang gumastos sa lahat-lahat at sa libingan nila Mama at Papa. Simula rin sa araw na ‘yon, pinatuloy nila ako sa bahay nila; inalagaan, pinakain, pinag-aral at tinuring na pamilya.

Hindi rin nila ako pinag-trabaho o pinatulong sa gawaing bahay. Maganda rin ang k‘warto na binigay nila sa ‘kin.

Pero...

Mas gusto ko pa rin ang simpleng pamumuhay namin nila Mama at Papa—simple, pero masaya.

Si Papa taxi driver, si Mama nagde-deliver ng mga pagkai‘ng mismong luto niya.

Pinilit kong tanggapi‘ng wala na sila. Pero hindi ko sila kayang kalimutan, hindi rin gano‘n ka-dali—lalo na‘t last year lang silang namayapa.

May 06.

‘yon ang araw nang mangyari ang aksidente at ‘yon din ang araw na binawian sila ng buhay—pero kinagabihan ‘yon nangyari.

First Anniversary ng pagka-wala nila last month.

Ang sabi ng Doctor, hindi na raw kinaya ng katawan nila kaya bumigay sila no‘ng gabi‘ng ‘yon.

Kung hindi lang nangyari ang aksidente, masaya pa sana kami‘ng; nagkukulitan at nagkakatuwaan.

Ang aksidente‘ng ‘yon ay hindi inaasahan. Nawalan ng preno ang taxi ni Papa. Nasa tahimik na lugar kami no‘n at pa-uwi na galing sa pamamasyal.

Pinilit ni Papa na pahintuin ang sasakyan—pero hindi niya nagawa. Pinapatalon nila ako no‘n pero hindi ko ginawa—kaya tinulak ako ni Mama,

Kasabay no‘n...

Ang pag-bangga nila sa isa pang sasakyan na nakasalubong nila na naging dahilan para mahulog ang sasakya‘ng ‘yon sa bangin.

At sila Mama...

Dumiretso sa puno. Hindi ako maka-galaw no‘ng mga oras na ‘yon dahil sa nasaksihan. Hindi ko rin alam ang gagawin dahil sa nararamdaman.

Matagal bago ko sila nalapitan—no‘n pa lang din bumuhos ang luha ko no‘n.

Bukas ang bintana, kaya kita ko ang mga naging sugat at dugo nila. Takot ang nararamdaman ko no‘n, takot, gulat, kaba at nginig.

At ang pakiramdam na hindi makapaniwala. Para rin akong lumulutang at nililipad sa takot

Pero...

Bago mangyari ang paghulog ng sasakyan sa bangin, may lumabas sa sasakyan na ‘yon na halatang tinulak din—at ang tao‘ng ‘yon ay hindi ko inaasahan, ang tao‘ng kilala namin, ang lalaking ‘yon ay si...

Herron, sumabay ka na.

Siya...

Siya ang lalaking ‘yon, si Herron Hackett ang pinsan ni Amare na kaibigan ko rin sana hanggang
ngayon—kung hindi lang nangyari ang aksidente.

A Compassionate A CompassionlessWhere stories live. Discover now