Chapter 144

14 4 0
                                    

Smile

Eashana‘s Pov

Nasa bahay ako ni Wendell, sinundo niya ako kahapon, nagkataon din na walang pasok dahil sa lakas ng ulan.

May bagyo raw,

Sabi niya, gusto niya akong makasama at maka-kulitan dahil hindi raw nangyari ‘yon.

Pumayag ako dahil gusto ko rin, ito pa lang ang unang beses na makakasama siya sa ganitong sitwasyon.

Pero naiilang ako at nahihiya.

Maganda at malaki ang bahay niya—nila ni Papa.

“Lahat ng nakikita mo, sa ‘yo rin Eashana.” Hindi ko naman alam na nand‘yan na siya.

May hinanda kasi s‘yang lunch na lagi raw n‘yang kinakain.

Cepo egg.

Hindi ko rin naman masasabi na akin din ang mga nandito at ang bahay.

Hindi ko naman sila nakasama, hindi ko siya nakasama,

Si Danica, oo, kaya hindi ko matatanggap ang mga sinabi nila.

“Kain na tayo,” ngumiti siya kaya ngumiti rin ako. Malamig ang panahon kaya naka-pantalon ako at longsleeve na sakto lang sa taas ng pantalon.

Tumango ako at ngumiti. Tumayo ako at parang hindi kampante na kumilos o gumalaw.

Napa-angat ako ng tingin sa kan‘ya nang marinig ang mahinang tawa niya.

Alam kong dahil ‘yon sa nahihiya ako.

“Tara,” humakbang na ako at sumunod sa kan‘ya.

“May isa pang k‘warto na pinasad‘ya para sa ‘yo,” nilingon niya ako sa likod niya. “Matagal na ‘yon dahil nga sa gusto ni Papa na isama ka sa ‘min. Pero inayos ko ‘yon no‘ng okay na.”

Naiintindihan ko.

“Hindi ko inalis ang k‘warto ni Danica dahil pumupunta pa rin siya rito—hindi rin naman siya makakapasok sa k‘warto mo dahil hawak ko ang susi, hindi sa wala akong tiwala, ayaw ko lang na may gawin siya.”

Naiintindihan ko.

“Mamaya, ipapakita ko sa ‘yo.”

Nakalapit na kami sa dining, tumango lang ako at ngumiti.

Naghila siya ng upuan at do‘n ako pina-upo.

“Salamat.”

“Masanay ka na, dahil asahan mong magiging madalas ‘to.”

Nakangiti lang ako na parang nahihiya, hinahayaan ko na lang din ang mga sinasabi niya.

“P‘wede kang pumunta rito kahit kailan mo gusto. Bahay mo rin ‘to—natin, natin ni Papa.” Para s‘yang nahirapan nang sabihin ‘yon.

Nakaramdam din ako ng ilang.

“Kumain na tayo?”

“S-sige.”

Ngumiti siya. “Hindi mo kailangan‘ mahiya.”

Lagi nilang sinasabi ‘yon

Pinag-sandok niya ako at siya rin ang nag-lagay ng ulam, may orange juice rin.

“Kain ka lang,”

Tumango ako at ngumiti, umupo siya sa katapat kong upuan tsaka kami nagsimulang kumain.

A Compassionate A CompassionlessWhere stories live. Discover now