Chapter 17

19 6 0
                                    

Her Parents

Herron‘s Pov

One week has passed, but we still can‘t find her. Izene searches for her, but not in the way that an investigator would use.

At sa loob ng linggo‘ng ‘yon, marami ang naghanap sa kan‘ya.

Pangalawang linggo niya na ‘tong wala. Kung pagsasamahin, sampong araw na ang absent niya.

Kasalanan din niya kung bakit ako nasesermunan.

Ramdam ko rin ang galit ng mga kaklase namin sa ‘kin dahil sa forum.

Tss...

‘yon naman ang gusto nila, ang may malaman.

That‘s the hint.

Ibang klase rin ang mga tao, magbibigay ka ng dahilan dahil gusto nilang may malaman, ngayong may alam na sila, magagalit din.

Tss...

Alam ko rin‘ naiintindihan na nila ‘yon.

Pero may pag-tataka pa rin sa kanila.

They always keep on asking me ‘Why.’

Tss...

I‘m worried.”

Napatingin ako kay Exell dahil sa sinabi niya. Too obvious, dahil no‘n pa siya hindi mapakali.

Tama nga ako sa hinala ko, dahil simula no‘ng Lunes, hindi na siya mapakali. Lagi s‘yang puyat, dahil kaka-isip kung nasa‘n si Stupid.

Does he like her?

Naramdaman siguro n‘yang may nakatingin sa kan‘ya na alam kong alam niya na ako, kaya diretso sa ‘kin ang mga tingin niya nang mag-angat siya ng tingin.

Naka-upo siya sa single sofa habang nakapatong ang parehong siko sa magkabilang hita niya at naka-siklop ang mga kamay.

Kagaya ng nakita ko sa kan‘ya no‘ng mga nakaraan, matamlay siya at pagod.

“Ikaw, hindi ka ba nag-aalala kahit k‘unti?”

Mahinahon, magaan pero may bakas na inis sa tinig niya.

“Tngin mo ba hahayaan kong mangyari ‘to?”

“Kapag ba may nangyari sa kan‘ya, pagsisisihan mo?”

That‘s great.”

Narinig ko ang mahinang pag-buntong hininga niya. Alam ko,” parang pagod na saad niya. “Sana nga, totoo ‘yang sinasabi—”

Pare-pareho kaming napatingin sa pinto nang bumukas ‘yon.

Mabilis ang naging pagtayo ni Exell, mukha pa s‘yang natigilan. Ramdam ko rin‘ gano‘n sina Wendell.

Ilang sandali pa ang pinalipas ni Exell sa pagka-gulat nang mabilis s‘yang humakbang palapit kay Stupid.

Yes, siya ang dumating.

Pinasadahan ko siya ng tingin; matamlay, pagod at panlalambot ang makikita sa mukha niya. Pumayat din siya—pero maganda pa rin ang porma ng katawan niya.

Halata rin‘ galing siya sa pag-takbo.

Eashana—”

Where have you been?” Seryosong tanong ko sa kan‘ya, dahilan para hindi matuloy ni Exell ang sasabihin niya.

A Compassionate A CompassionlessWhere stories live. Discover now