Chapter 72

20 4 0
                                    

The Truth (2)

Herron’s Pov

- Hey there baby.

From: EashanaMyBaby
- Hey there sungit

I smiled.

- Sungit?

From: EashanaMyBaby
- Oo, kasi masungit ka, buti pa si Amare sweet, kaya nga ‘yon ang nasa name niya sa contacts ko.

- What? Why? Hindi ba ako sweet sa ‘yo?

From: EashanaMyBaby
- Bagay naman sa ‘yo a? HerronSungit.

- Pero EashanaMyBaby nilagay ko sa contacts natin.
Palitan mo, HerronMyBaby lagay mo.

From: EashanaMyBaby
- Ayaw ko nga 😛

- Tss,

EashanaMyBaby
- Bye bye na.

- Bye, good night, dream of me.

“Kanina pa nakatingin sa ‘yo si Danica.” Pa-simple na bulong ni Izene.

Kung p‘wede lang na isama si Eashana at sina Uncle Benedict at Auntie Sheena—pero hindi naman amin party ‘to.

Nasa mesa kaming sampo—kasama si Danica na hindi ko gustong nasa table namin, si Eashana ang gusto kong nandito.

Special pa siya sa special.

“Hi boys,”

Pare-pareho kaming napatingin sa bumati na isa sa mga ka-business nila rito.

“Hi Auntie,” bati namin.

“Ang gu-guwapo naman ng mga binatang ito—oh, may nag-iisa pa lang magandang dalaga rito, so sino sa inyo huh?”

May pang-aasar sa tinig niya nang sabihin ‘yon.

“I‘m Wendell Manalang, her Brother.” Nalipat ang tingin niya sa kan‘ya.

Sinabi rin niya kay Danica na apelyedo ‘yon ng Nanay nila kahit na hindi naman.

Pinagamit kunwari sa kan‘ya para sa pangungulila—hindi rin naman pinakita ni Wendell ang mga papel, kaya hindi alam kung ano ang totoo at buong pangalan ni Wendell.

Wala s‘yang nalaman na kahit na ano—pareho lang ‘yon kay Eashana.

Siguro nga unfair ang tingin ko, pero wala naman akong paki-alam sa kahit na kanino—kay Eashana lang.

“Ikaw ba ang kasintahan ng magandang dalaga na ito?”

Hindi ko alam na ako ang kinakausap niya, nasa ‘kin ang tingin nilang lahat. Napatingin ako kay Danica na nakangiti pa.

A Compassionate A CompassionlessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon