Chapter 115

10 2 0
                                    

Spain

Amare‘s Pov

Kamusta?

Ayos lang Pa,

Nilapag niya ang iniinom n‘yang kape sa mesa na nasa pagitan namin.

Siya naman ngayon ang kaharap ko.

Mabuti kung gano‘n.” Nakangiting saad niya, alam kong nando‘n pa rin sa kan‘ya ang ginawa namin.

Hindi ko rin naman kinalimutan.

Si Eashana? Si Herron? Kamusta sila? Naging ayos na ba kayo? Wala na ba kayong ginagawang ikadidismaya namin?

Naiintindihan ko naman, pero parang wala na s'yang tiwala—sino nga ba naman, pagkatapos no‘n.

Ayos lang po sila, ginagawa namin ang lahat para maging ayos kami at wala kaming ginagawa.” Tumango lang siya.

Kanina ka pa nakaupo d‘yan, ayaw mo bang mamasyal? O makipag-usap sa mga ka-edaran mong nandito.”

Umiling ako. Sapat na sina Herron.

Mahina s‘yang bumuntong hininga. Alam kong hindi ka namin naaalagaan ng maayos, madalang lang kaming nakakabisita sa inyo, kaya naiintindihan ko.

Alam ko rin na hindi kayo gano‘n na napabayaan dahil...

Pa,” ilang segundong katahimikan bago ko siya tinawag tsaka ko inangat ang tingin sa kan‘ya. Hindi mahalaga sa ‘kin kung ngayon ni‘yo lang ako dinala rito.”

“Hindi rin naman ako masaya na nandito.”

At hindi ko rin gusto ang plano ni‘yo.”

Alam ko na, alam ko naman kung bakit. Hindi ko siya nakitaan ng gulat, dahil alam kong alam n‘yang labag sa loob ko ang piliin ang major na ‘to.

Hindi ka namin pipilitin, kung gusto mong mag-palit ng course, sige lang.

“ ‘wag na, nasimulan ko na rin, ayaw ko pong mag-sisimula na naman.

Magagamit ko rin ‘yon para buhayin ang sarili ko, tsaka ko sila babayaran.

Pareho lang naman ang sinabi nila Mama.

Tumayo ako dahilan nang pagtayo rin niya. Gusto ko na pong umuwi.

Hindi namin ipipilit, pero sumama ka na lang sa dinner, kasama dapat si Herron pero umayaw siya.

So nagka-usap sila?

Sige na Hijo, ngayon lang mangyayari ‘to, ngayon ka lang namin dinala rito kahit na alam kong maraming pagkakataon no‘n.

Ayos lang.

Sinubukan na rin namin na isama si Eashana no‘n dito pero ayaw ni Herron dahil gusto raw n‘yang gawin ‘yon na siya ang dahilan.” Natawa siya sa sinabi niya.

Hindi na ako magtataka sa kan‘ya.

Hindi ako nakapag-paalam ng maayos sa kan‘ya.

Halika, sumama ka sa ‘kin, nasa labas ang mga kaibigan, ipapakilala kita. Na-k‘wento ko na rin ang pagdating mo.

A Compassionate A CompassionlessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon