Chapter 44

14 4 0
                                    

Forced

Eashana‘s Pov

Kinuha ko ang notebook at ballpen para isulat kung ano ang mga kailangang bilhin.

Bukod kasi sa ako rin ang nagsabi na gagawin at susundin ko siya, ayaw ko na bumalik kina Zein, ayaw ko na talagang nando‘n. Hindi ko kaya. Hindi ko rin gusto dahil natatakot ako sa presens‘ya ni Darwin.

Naisip ko na lang na manghiram ng table at apat na monoblocks para magiging upuan namin sa booth—upuan para sa mga mag-babantay. Palitan din ang mangyayari ro‘n, hindi ko kaya na ako lang ang laging nando‘n.

Naisip ko rin na hindi tent ang gamitin namin—kubo, para na rin bawas sa gastos. Papaki-usapan ko sila tito—‘yong katapat na bahay namin.

Mababait sila at kaibigan sila ni Papa simula no‘ng mga binata. Close na close sila at nagbibigayan ng kung ano mang me‘ron sa kanila. Close din ako sa kanila, minsan inaasar nila ako tungkol sa crush.

Binubuhat lang din ‘yong kubo nila—may gulong din. Magpapatulong na lang ako sa mga kaklse namin.

Papaki-usapan ko na lang sila.

Hindi na kasi ako makaka-hingi ng tulong kina Barnes. Dahil ang huling araw na naka-usap ko sila ay no‘ng nag-suntukan si Herron at Amare. Nahihiya na rin akong lumapit sa kanila.

Noon, kapag may ganitong nangyayari, tulungan kami at minsan kaming tatlo ang nagbabantay tsaka nila pag-ti-tripan mga studyante.

Ngayon, hindi na. Ako na lang.

Simple lang din ang gagawin ko sa design, mag-pipinta ako sa tarpaulin ng magiging pangalan ng booth namin at ng section.

At ang ipapalaro na naisip ko, ay baraha. Maglalagay ng apat na baraha, at kung ano ang nakasulat sa card, gagawin ng maglalaro, ‘pag nagawa niya, Stuff toy, Damit o Sapatos ang makukuha niya. Pero ‘pag hindi, give-aways na pagkain pang nuche-buena.

Alam kong magastos, wala akong ibang ma-isip. Sabi rin naman ni Herron, siya na raw ang bahala. Ibigay ko lang daw sa kan‘ya ang listahan.

Hehe.

Sayang kasi ‘yong grade sa Entrep, kung hindi common ang ipapalaro namin.

Sa program naman, may magaganap na modeling by pair. Dalawang candidate kada section, Dancing, Acting at Singing.

Sa disco, ang mas gusto ng lahat. Pero ayaw ko ‘yon dahil maingay at magulo.

Pero sa araw na ‘to, ang unang araw ng pag-aasikaso, gaya ng sabi ni Herron.

Ang sabi rin niya, unahin ko raw ang pag-aayos ng room para sa horror booth.

Sabado ngayon, at gusto n‘yang ngayon ko raw ayusin, para raw maayos na sa Lunes, dahil do‘n na mag-sisimula.

Alam din ng Adviser namin na pupunta kami ngayon ng school para mag-ayos ng room. Nandito rin ako sa mismong room namin at hinihintay siya.

Ang sabi kasi niya hintayin ko raw siya, pero tatlong oras na akong nandito wala pa siya.

Ngayong araw rin ako bibili at magde-decorate. Ngayong araw rin ako bibili sa lahat-lahat ng mga pangangailangan at pag-naka-uwi na, aayusin ko na ang iba para sa Monday, okay na lahat.

Kakalimutan ko na lang siguro ang nangyari kahapon.

“Where‘s the list?”

Napa-angat ako ng tingin nang marinig ang boses na ‘yon. Nakatayo siya sa harap ko. Magulo ang buhok niya at halatang inaantok pa.

A Compassionate A CompassionlessWhere stories live. Discover now