Chapter 16

22 6 0
                                    

Trois Act

Amare‘s Pov

Nasa‘n si Eashana? Absent pa rin ba siya? Friday na ngayon. Limang araw na s‘yang hindi pumapasok.

Mapapansin sa tinig niya ang pag-aalala kahit na galit siya. Tahimik din ang mga kaklase namin, nag-aalala sila no‘ng unang araw na wala siya dahil ‘yon pa lang ang unang beses na may record siya sa pagiging absent, pero mas domoble ang pag-aalala at pag-tataka nila no‘ng mga sumunod na araw.

Pang pitong araw niya nang wala ngayon.

Simula first year, hindi siya nag-aabsent. Kahit may lagnat siya, pumapasok pa rin. Wala rin s‘yang naging late. Pero ngayon?”

Walang nagsasalita, tahimik lang ang lahat. “Wala bang may alam sa inyo kung bakit wala siya?”

Umikot ang tingin ni Ms. Anne hanggang sa mahinto ang tingin niya sa ‘kin.

‘wag ako.

Monter?

Napatingin ang lahat sa ‘kin. Nag-aalangan pa akong tumayo, pero ginawa ko pa rin. Kinagat ko rin ang pang-ibabang labi ko dahil hindi ko alam ang sasabihin.

Panay rin ang tanong nila sa ‘kin dahil nga ako ang nakakasama niya palagi.

Sobra rin ang pag-aalala na pinapakita ni Bryan.

Sorry Ms. Anne, pero hindi ko po alam.

Hindi alam? E hindi ba mag-kaibigan kayo? Hindi ko talaga alam ang sasabihin. “Ikaw ang parati n‘yang kasama—kayo nina Barnes,”

Tahimik lang din sila. “Even Herron na mas

Pare-pareho kaming napatingin sa pinto nang bumukas ‘yon, dahilan para hindi matuloy ni Ms. Anne ang sasabihin.

Why are you late?

None of your business.”

Mabilis at Walang galang na sagot niya, kasabay no‘n ang tuloy-tuloy na pag-pasok niya, pero napahinto siya nang muli ‘yang tawagin ni Ms. Anne sa apelyedo, pero nakatalikod na siya sa kan‘ya.

Kung tatanungin mo ako kay Esler, hindi ko alam.

No‘ng Lunes mo pa siya tinatanong, iisa lang ang sagot ko, tsaka siya humarap. “Hindi ko alam at wala akong paki-alam.

Tsaka siya nagpa-tuloy at hinagis ang bag niya sa upuan niya tsaka siya pabagsak na umupo.

Nasa kan‘ya pa rin ang tingin ng lahat pero sinamaan niya sila ng tingin dahilan para umiwas sila.

Hindi ko alam kung bakit naging ganito ka. Kino-control mo ang mga kaklase mo. Hindi na rin naging mabuti ang trato mo kay Eashana. Akala mo ba hindi ko alam ang nasa forum? Inisip ko na baka isa ‘yon sa dahilan kung bakit hindi siya pumapasok, ano ba ang nangyayari sa ‘yo Herron?”

Walang paki-alam ang pinakita niya sa lahat. Parang relax lang din siya.

“Hinahayaan ng mga teacher na kayo-kayong mga studyante ang humawak ng forum, baka nakakalimutan ni‘yo na hindi pare-pareho ang mga sk‘welahan?”

Naiintindihan ko.

Hindi naman sa nag-aano pero iba ang private sa public. Mas mahigpit at marami‘ng bawal.

A Compassionate A CompassionlessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon