Chapter 146

12 4 0
                                    

14

Herron‘s Pov

Lumipas pa ang mga araw na gano‘n lang ang mga nangyayari.

Gigising, kakain, matutulog, makikipag-kulitan kay Eashana,

Dumaan na rin ang bagong taon na sabay-sabay namin‘ cine-lebrate.

May pasok na ulit—at ang araw na ‘to, ang araw na pinaka-hihintay ko.

Walang gagawin dahil para sa lahat ang okasyon na me‘ron para sa araw na ‘to.

Ito rin ang araw na pinag-planuhan ko, pinag-planuhan ko para makuha si Eashana.

To court her.

Masaya ako at excited sa mangyayari. Sinad‘ya kong magpa-iwan sa bahay dahil gusto kong ayos na ayos ako. Pina-sabay ko siya kay Amare.

Alam din nila ang plano kong ‘to.

Nakangiti akong lumabas ng bahay, gano‘n din sa pagsakay ng sasakyan, maging sa pagma-maneho hanggang sa makarating ng school.

My Baby,

++++++++++

Eashana‘s Pov

Ang sabi ni Amare, may inaayos daw si Herron kaya nauna kami rito pero nagpa-alam siya na may pupuntahan lang kaya naiwan ako rito sa covered court, nakatayo lang din ako sa pangalawang linya ng bleachers dahil pababa na ako nang hindi ako matuloy dahil may presensiya ng tao akong naramdaman...

Danica,

Ngayon ko lang ulit siya nakita. Hindi ako nagsalita o ano man hinayaan ko na lang at tutuloy na sana sa pagbaba nang iharang niya ang kamay niya kaya napalingon ako sa kan‘ya.

Nalaman ko na may gusto ka na rin kay Herron, so hindi na pala si Amare?

Hindi na ako magtataka,


Ayaw ko nito, ayaw ko ng ganito, ayaw ko ng nakikipag-talo dahil sa lalaki.

Masama ba na nagustuhan ko siya? Masama ba na may nararamdaman na ako kay Herron? Masama ba na... na... Mahal ko na siya?

“Aalis na ako,” mahinahon kong sinabi ‘yon at mahinang umatras pa-gilid para do‘n maka-baba dahil nakaharang pa rin ang kamay niya sa ‘kin.

Pero hindi ko naman aasahan ang ginawa niya, napatulo ang luha ko at hindi ako maka-galaw.

Mula sa kinakatayuan ko kanina, nasa sahig na ako sa baba dahil sa pagtulak na ginaw niya.

Nawalan din ako ng balanse. Hindi ko aasahan ‘yon kaya nadala ako sa tulak niya kahit mahina lang.

Ramdam ko ang pananakit ng hita ko, binti at braso ko. Hindi ako nakatayo agad dahil do‘n. Naramdaman ko lang na may nagtayo sa ‘kin—si Amare,

Nakita ko ang galit sa mga mata niya at panggigigil ng inis. Do‘n ko lang din nakita na hindi lang kami ang nandito.

“Eashana!” Hindi ko agad natingnan ang boses na ‘yon—ni Herron. Nasa harap ko siya at hawak ako sa parehong braso.

Dahan-dahan akong nag-angat ng tingin sa kan‘ya dahilan para makita niya ang sunod-sunod na pag-tulo ng luha ko.

Hindi ako umiiyak nang may tunog, dahil ayaw kong mas maka-agaw ng pansin at ayaw kong pinapakita na parang ang oa ko.

A Compassionate A CompassionlessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon