Chapter 8

18 6 0
                                    

Hug

Eashana‘s Pov

Nakayuko akong naglalakad habang iniisip ang mga nakasanayan namin. Hindi na niya gusto ang pagkain na lagi naming pinag-aagawan—pareho naming paborito ang chicken roll.

Eashana?

Malapit na ako sa guard house nang may tumawag sa ‘kin. Huminto ako sa paglalakad at nag-angat ng tingin—pero kusa akong napa-atras nang makilala siya.

Mahina s‘yang napatawa dahil do‘n. Hmm... matagal na tayong mag-kaklase at kung magkaka-usap man tayo, sa tingin ko ito pa lang ang una.

Mahinahon at Nakangiting saad niya. Hindi pa rin ako lumapit sa kan‘ya, hindi ako kampante dahil kaibigan siya ni Herron—na si Exell.

Hindi ko aasahan na makikita kita rito, gabi na at nandito ka pa.

Pasens‘ya na, pero hindi ko masasabi. Narinig ko ang mahinang tawa niya.

May pupuntahan ka ba? Samahan na kita, ihahatid na rin. Saad niya at hindi inintindi ang sinabi ko.

Salamat, pero kaya ko naman. Tipid akong ngumiti at lalagpasan na sana siya nang harangan niya ako.

Si Herron?Nasa tinig niya ang sinasabing si Herron ang may gawa nito.

Kailangan ko nang umalis.

Wait, pigil niya sa paghakbang ko. Inangat ko ulit ang tingin sa kan‘ya.

I insist.

Tipid ko s‘yang nginitian at tumango bilang pag-tanggap sa gusto niya pero ilang segundo rin bago ko ginawa ‘yon. Inalalayan niya rin akong makalapit sa sasakyan niya, pinag-buksan din niya ako ng pinto.

“Salamat.

“Walang anuman.”

Ngumiti ako nang ngumiti siya tsaka ako sumakay, magaan lang din ang ginawa n‘yang pagsara sa pinto.

Hindi mo kailanga‘ng maging pormal. Saad niya nang makasakay na rin siya.

Natatakot ka ba sa ‘kin?

Sandali ko s‘yang nilingon at binalik din ang tingin sa harap. Hindi ko rin siya sinagot. Baka kasi ‘pag sinabi kong oo, sabihin niya kay Herron. Alam kong matutuwa siya at ‘pag nagkataon, baka mas lalo niya akong pahirapan.

Alam kong ‘yon ang gusto niya, dahil ‘yon ang ginagawa niya sa ‘kin simula nang mangyari ang aksidente.

Hindi rin magandang pakinggan o tingnan kung sasabihin kong ‘oo’

Ramdam ko ang pag-sulyap niya, pero hindi na siya nagsalita o nagtanong.

Nawalan na rin kasi ako ng tiwala. Kay Amare at sa mga kaibigan niya lang ako kampante. Kilala ko sina Exell, pero hindi ako komportable sa kanila, hindi rin naman ako nagkaroon ng pagkakataon na maka-usap sila.

Ngayon lang.

Alam kong matagal na silang kaibigan ni Herron, pero hindi ako napalapit sa kanila—kahit no‘ng ayos pa ang lahat.

Nandito na tayo.

Hindi ko napansin na, naka-hinto na ang sasakyan sa tapat ng Mini Mart.

Thank you.

Mahinang saad ko at nginitian siya. Bubuksan ko na sana ang pinto nang pigilan niya ako.

A Compassionate A CompassionlessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon