Chapter 149

14 4 0
                                    

Wings of Love

Eashana‘s Pov

Tamang-tamang pagpasok ko si Amare ang nasalubong ko. Agad akong yumakap sa kan‘ya.

Do‘n ako umiyak sa dibdib niya, naramdaman ko rin ang pagyakap niya at ang pag-haplos niya sa likod ko.

“Amare,” nahihirapan akong bigkasin ang pangalan niya.

“Sabihin mo,” sandali akong lumunok. “Ako pa rin ‘di ba?”

Ramdam kong nahinto siya sa pag-haplos sa likod ko.

“Ikaw naman talaga ang gusto ko—ikaw dapat, matagal kitang gusto, kaya madali lang na magka-gusto ulit ako sa ‘yo—”

“Hindi sa tingin ko tama ang gusto mong mangyari Eashana.” Umiling-iling ako na alam kong mararamdaman niya.

“Gusto kong magustuhan ka ulit, ayaw ko kay Herron, narinig mo ang sinabi niya ‘di ba?”

“Oo gusto pa rin kita—no I love you Eashana, pero hindi ko sasamantalahin.”

“Nirerespeto kita—ang nararamdaman ni‘yo ni Herron,”

“Nararamdaman?” Tsaka ako dahan-dahang lumayo sa kan‘ya pero malapit pa rin kami.

Para akong naliligo ng luha, nanlalagkit na rin ang leeg ko dahil sa buhok ko na may pawis at luha.

Diretso ang naging tingin ko sa kan‘ya, gano‘n din siya. Pinipigilan kong ‘wag bigyan ng tunog ang iyak ko, hinahayaan ko lang na tumulo ang luha ko at ang panginginig ng mga labi ko.

Napalabi rin ako dahil sa nararamdaman. “Sinabi ni Danica, nakita ko, narinig ko, totoo man o hindi, pero ‘yong sinabi n‘yang, gusto n‘yang maranasan ko ang nangyari no‘n.”

Mas nasaktan ako sa mga ‘yon kaisa sa mga ginawa niya sa  ‘kin.

Ibig sabihin ba no‘n, matagal na n‘yang pin-lano ‘yon?

(‘I‘ll make her fall for me—and dump her kapag nahulog na siya sa ‘kin.’)

(‘Gaya ng naranasan ng Tatay niya, ni Mom, ni Dad. I want her to feel the same way.’)

“Pakinggan mo si Herron,”

Hindi ko na kayang makinig.

Ang mga tingin ko na nasa mga mata niya, unti-unting bumaba sa mga labi niya.

Mukha akong batang madungis sa hitsura ko pero hindi ko na inintindi ‘yon.

Tumingkad ako at inabot ang mga labi niya na kinagulat niya.

Ramdam ko ‘yon.

Dahan-dahan ko rin‘ nilipat ang mga kamay ko sa leeg niya. Pumikit na rin ako at sinimulang igalaw ang labi ko.

Dahan-dahan lang ‘yon at mababaw kaya bahagya akong napalayo sa kan‘ya nang hawakan niya ang magkabilang balikat ko.

Malapit pa rin naman, tama lang na naglayo ang mga labi namin.

“Don‘t do this. Hindi ikaw ‘to Eashana, please.”

Mahina akong umiling tsaka ko ulit dinikit ang labi ko sa kan‘ya.

Naitulak ko rin siya kaya napa-upo siya sa sahig—kasama ako at sa mga hita niya ako bumagsak.

Hindi ko inintindi at binalewala ‘yon dahil tinuloy ko lang ang paghalik sa kan‘ya.

A Compassionate A CompassionlessWhere stories live. Discover now