Chapter 48

14 4 0
                                    

Repair car

Eashana‘s Pov

Nandito kaming lahat sa covered court, nag-presenta ang mga adviser namin at ang ibang teacher na sila na lang daw ang mag-babantay sa horror booth para raw ma-enjoy namin ang paglalaro.

Marami rin ang naglaro sa ‘min.  Me‘ron lang na iba na naiinis kasi halos nasa ‘min naglalaro ang mga studyante.

Hindi ko naman aasahan ‘to.

Para kasi sa ‘kin, nakaka-inip at walang k‘wenta ang naisip kong palaro.

Malayo ang booth sa inuupuan nila dahil nasa pinaka-una sila, pero kasama ko si Herron, Troi, Izene at Amare.

Nasa pinaka-unang bleachers naman ang mga kaklase namin na malapit sa entrance.

Nakaramdam ako ng presens‘ya ng tao saa likod ko pero hindi ko nilingon.

Alam ko naman kung sino ‘yon.

“Buti may naglalaro pa rin sa ‘tin kahit na gan‘yan ang hitsura mo.” Nasa tabi ko na siya ngayon.

Hindi mo man lang nakuhang mag-ayos kahit kaunti. Parang hindi ka babae.

May putik-putik ‘yang pisngi mo, hindi mo rin nakuhang linisin ‘yang sugat mo.

Hindi ko na lang siya pinansin. Nasabi na niya sa ‘kin ‘yon no‘n.

Alam ko paano ayusin ang sarili ko, hindi lang talaga ako kagaya ng ibang babae na maya-maya ang pag-aayos.

Since gan‘yan ang ayos mo, linisin mo ‘tong p‘westo natin. Mag-iikot ang head ng year level natin para tingnan ang bawat booth.

Wala naman akong nakikitang kalat, kaya hindi marumi.

Wala nama‘ng kalat.”

Wala ba?”

Saad niya at nilibot ang tingin. Lumakad siya papunta sa gilid ng bleachers na pin-p‘westuhan namin tsaka kinuha ro‘n ang trashcan na may gulong.

Nang makarating siya rito, binuhos niya lahat. Umikot pa siya kaya mas nag-kalat ang mga basura at mga dahon. Nakangisi rin siya nang gawin ‘yon.

May kalat na.”

Nakangising saad niya tsaka siya nag-pag-pag at pinunas sa manggas ng damit ko ang kamay niya.

Naka-maong ka naman kaya okay lang.

Napatingin ako sa gawi nina Troi dahil narinig ko ang mahiang tawa niya. 

Yes?

Inalis ko ang tingin sa kan‘ya at binalik kay Herron na mag hawak nang walis tingting at dustpan.

Simulan mo na.

Kailangan‘ maubos ang nasa booth—sa araw na ‘to mismo.

A Compassionate A CompassionlessWhere stories live. Discover now