Chapter 131

10 2 0
                                    

Funny Fight

Eashana‘s Pov

Hindi ko alam kung ano ang mararamdaman sa sinabi niya. Para rin akong napahiya ro‘n.

Napaiyak din ako,

(‘Ano ba talaga ang nararamdaman mo sa ‘kin Eashana?!Kung si Amare, ‘wag kang kumilos na parang apektado ka sa lahat ng pinapakita ko—kasi ayaw kong isipin na may gusto ka rin sa ‘kin!’)

(‘Kung si Amare, si Amare lang—magpapa-ubaya ako. Pero kung ako, ako lang Eashana!’)

(‘Ayaw kong pag-isipan ka—pero tinugunan mo ang halik ko no‘ng gabi‘ng ‘yon—hiniling mo kay Amare na halikan ka! No‘ng halikan ka ni Exell, hindi ko nakita na nagalit ka!’)

(‘Sino ba talaga?!’)

(‘Maybe they are right, karamihan sa mga mahinhin at inosente mga malalandi!’)

Mas ‘yon ang masakit na narinig ko sa kan’ya.

Umupo ako sa mismong damuhan at yumakap sa mga tuhod ko.

Sinabi na niya ‘yon,

Ibig sabihin, nand‘yan pa rin ‘yong galit niya sa ‘kin.

Nakurot ko ang binti ko dahil do‘n.

Hindi ako gano‘n, hindi ako malandi.

Nasa baba lang din ang tingin ko nang may maramdaman na umupo sa harap ko, hindi ako nag-angat ng tingin—alam ko naman—kung sino siya.

Naramdaman ko ang maingat na pag-hawak niya sa braso ko.

Hindi na rin ako nakapalag kasi nanghihina ako, naramdaman ko na lang ang pagyakap niya.

“Hush! I-I‘m sorry.”

“I‘m sorry Shan,” naramdaman ko ang mahinang pag-haplos niya sa likod ko. “Hindi ko gusto na sabihin ‘yon, alam kong hindi ka gano‘n, you’re different. You‘re good. I‘m wrong.” Narinig ko ang mahinang buntong hininga niya at parang may pinipigilan.

H-hindi gusto?” Dahan-dahan at parang nanginginig akong nag-angat ng tingin sa kan‘ya.

“Pero sinabi mo na... ikaw pa rin ‘yon, ‘yon pa rin—”

“Maybe, but Eashana, ako pa rin ‘to, ako pa rin ‘yong Herron na nakilala mo.” Bulong niya, mahinahon na ‘yon at may lambing na ulit.

“Hindi dapat kita sinigawan, hindi ko dapat sinabi ‘yon. I‘m sorry baby.”

Humiwalay siya at pinunasan ang luha ko tsaka ko naramdaman ang paghalik niya sa noo ko at pinag-dikit ang mga noo namin.

“S-sinabi mo na rin sa ‘kin ‘yon no‘n—”

“I‘m sorry.”

“At... siguro nga gano‘n ‘yon—”

“No, of course you‘re not.”

Hindi na

“Let‘s go,” 

Mahina niya pang inalog ang pisngi ko tsaka niya ako tinayo.

“Kinausap na nila siya. Okay na rin, hindi ka na papagalitan ng adviser ni‘yo. Ihahatid na kita sa room.”

Napahinto siya nang hindi ako gumalaw. “Hm?”

“Nag—” Inangat ko ang tingin sa kan‘ya at umiling.

Hindi ko tinuloy kasi baka may sabihin ulit siya—pero parang alam niya.

A Compassionate A CompassionlessWhere stories live. Discover now