Chapter 58

16 3 0
                                    

Letter

Herron‘s Pov

Mabilis ang ginawa kong pagpapa-takbo ng sasakyan hanggang sa marating ko ang pinakamalapit na hospital.

Nagmadali akong bumaba at tumakbo papasok sa loob hindi ko alintana ang ayos ko o ang mga tao at mabilis na tumakbo, marami ang napapatingin sa ‘kin at may mga nababangga ako pero wala akong paki-alam.

Hindi ko alam kung bakit napahinto ako kanina samantalang hawak ko na siya. Ilang segundo rin ang napalipas ko bago ako umalis papunta rito.

Madulas ang sahig kaya muntik-muntikan akong madulas.

Nawala sa isip ko si Eashana, naging pabaya ako. Halo-halo ang nararamdaman ko; panlalambot, panginginig, kaba, takot at galit.

(‘She asked me to end her life’)

(‘She said, she‘s tired’)

That‘s not true!

Dala-dalawang baitan ng hagdan ang nilalagpasan ko. Naririnig ko ang pag-sita nila sa ‘kin pero hindi ko inintindi.

Lumiko ako sa kanto kung saan ang ti-next ni Troi. Hindi ako nagkamali, dahil malayo pa lang, kita ko na sila.

Silang s‘yam...

Napatingin silang lahat sa ‘kin nang makita ako, pero hindi ko sila pinansin at humakbang palapit sa pinto but someone pulled me.

Amare,

Why are you here?

Iba ang nasa tono niya at alam ko ang pinaparating ng tanong niya, pero hindi ko siya pinansin at humakbang ulit pero hinila niya ako pabalik sa p‘westo ko paharap sa kan‘ya.

G-gusto ko s‘yang makita.” Ayaw ko mang magsalita dahil sa panghihina pero ginawa ko pa rin.

Why?

cause I want to see her.

I want to hold her like before.

I want to know if she‘s okay.

I want to know if... if...

Pagak s‘yang tumawa.

Nag-aalala ka?

It‘s frame up.

Frame up?

Ilang segundo bago nag-proseso sa isip ko ang sinabi niya. Napakuyom ako ng kamao.

Kung tutuusin, p‘wedeng-p‘wede n‘yang saktan si Eashana nang hindi ka hinaharap. Pero hindi niya ginawa, dahil hindi siya masama—dahil kung oo, sana, no‘ng binigay mo siya sa kanila, wala na siya. Pero hindi, puro lang siya panakot.

“Nagawa lang niya ‘yon dahil sa ginawa mo.”

“Kung tutuusin, p‘wede ka rin n‘yang saktan nang hindi mo namamalayan, but what? Hindi niya ginawa. Mabait si Zein Herron, hindi siya katulad mo.”

A Compassionate A CompassionlessWhere stories live. Discover now