Chapter 142

11 2 0
                                    

Punishment

Amare‘s Pov

Okay na rin na may training ngayon dahil hindi ko pa rin kaya na makita silang gano‘n.

Si Keane lang ang kasama ko, ayaw naman ng iba dahil daw tinatamad silang lumabas.

Kaming dalawa lang din ang naglalaro sa court,

Training sa dalawang tao na walang kahit na sino.

Tahimik, pero malamig ang panahon at ang hangin. May mga nagtitinda din naman na mga vendor sa labas,

Palamig, ice cream, mga niluluto na kung ano-ano.

“Kamusta?” Tanong niya habang papalapit sa ‘kin, hawak niya ang bola sa tagiliran na parang akbay.

Tumigil muna kami dahil kanina pa kaming umaga rito at alas-tres na hindi pa rin kami umuuwi.

“Gano‘n pa rin.” Sabay kaming lumakad palabas ng court para bumili ng makakain sa labas.

“Ikaw?”

Ngumiti lang siya at hindi sumagot, alam ko naman ang dahilan.

“Part time?”

Nilingon niya ako, “Tuloy pa rin.” Tsaka niya binalik ang tingin sa nagtitinda.

“Bottled water po dalawa.”

Hindi ko na siya nasagot, hindi na rin kami nakapag-tanungan hanggang sa i-abot sa ‘min ang mga binili niya.

Bumalik na kami sa loob at naupo sa bench malapit sa entrance.

Maayos kong binaba ang plastic ng flying saucer tsaka ‘yon kinagatan.

“Lumiit na,”

“Hm?” Lingon ko sa kan‘ya.

Mahina niya nama‘ng ginalaw ang flying saucer, na parang minamasdan, napatawa ako dahil do‘n—gano‘n din siya.

“Dati hindi naman ganito, tumataas ang presyo pero ang produkto nababawasan.”

Totoo naman.

“Gano‘n din si Papa,” nilingon ko ulit siya at naging dahan-dahan ang pag-nguya ko.

“Mas naging mahigpit siya.”

“Siguro kahit isang pirasong alikabok hindi niya hahayaan na mapunta sa lamesa.”

Nakapatong ang parehong siko sa mga hita niya at diretso ang tingin habang ako nasa kan‘ya ang tingin.

“Bakit?”

“Bakit nga,”

Ang pagkakatanong ko, parang tinatanong na bakit ganito ang sitwasyon.

Mas‘yadong magulo, mabilis, mabagal,

“May pinagsisihan ka?”

“Marami.” Mabilis na sagot ko.

Alam kong alam na niya kung ano ang mga ‘yon.

Tama lang na nakikipag-tawanan ako sa kanila, pero nasa loob ko ang panghihinayang na sana ako pa rin,

“Uwi na ba tayo pagkatapos nito?” Nilingon ko siya.

“Ayos pa ba hanggang 5?”

Ngumiti siya at umisang tango tsaka siya tumayo na sinabayan ko rin, hinagis niya sa ‘kin ang bola habang umaatras siya, nasalo ko naman tsaka siya tumakbo pa-atras hanggang sa matapan niya ang ring.

A Compassionate A CompassionlessWhere stories live. Discover now