Chapter 88

13 3 0
                                    

Halik Sa Ilong

Eashana‘s Pov

Naglilibot ako sa school dahil vacant time, hindi ko pinansin o tiningnan ang paligid, pero alam kong naglalakad ako papunta sa garden habang nakayuko.

Uupo na sana ako sa pa-bilog kung saan may puno sa gitna nang may naka-upo, nag-angat ako ng tingin para makita kung sino, tamang-tama rin kasi na nasa tapat ako ng tao‘ng ‘yon... na si Wendell pala.

“Alam kong naging tambayan mo ‘to,” agad na saad niya tsaka ngumiti. “Kaya nandito ako para mahintay ka at ayain kang kumain.”

Can we talk?” Dahan-dahan akong umupo sa tabi niya pero may space pa rin.

Sinabi rin niya ‘yon nang nanahimik lang ako.

Nang magising ako kina-umagahan, nakita ko na sira-sira ang damit ko.

Hindi ko naman namalayan na naka-uwi na kami no‘n. Kahit nahihiya dahil sa nangyari, nilapitan ko si Amare para itanong kung bakit gano‘n ang damit ko.

Hindi niya sinabi kaya si Herron ang nilapitan ko, ang sabi niya si Danica raw.

Ayaw nilang sabihin kasi para raw silang babae na nagsusumbong, bukod do‘n ayaw raw nila na baka kung ano ang mangyari.

yong Danica na ‘yon!

Somosobra na rin siya! Hindi naman kasalanan ng isang tao kung bakit hindi siya gusto ng gusto niya.

Bakit siya nagagalit sa ‘kin?

Bagay sa kan‘ya pangalan niya, Danica—Maldita!

Galing kay Herron ‘yong damit na ‘yon, kahit na gano‘n kami, kaibigan ko pa rin siya.

Itinabi ko pa rin ‘yong damit, ayaw ko kasi na hahayaan lang ang mga binibigay sa ‘kin.

“Im sorry.” Ilang segundo bago siya nagsalita ulit at hindi ko aasahan na ‘yon ang sasabihin niya. Sorry dahil hindi kita nagawang tingnan o hawakan no‘ng gusto ka nilang ipakita sa ‘kin. Hindi kita tinanggap, I even throw those pictures of yours.

Tinapon?

Kusa na lang napatulo ang luha ko. Ngayon ko lang natanggap. Kaya naiintindihan kita.

“Hindi ako naging Kuya sa ‘yo.

Lalo akong napa-iyak pero walang boses, tumutulo lang ang luha ko.

Pero hayaan mong bumawi rin ako.

Pa-simple kong pinunasan ang luha ko nang maramdaman s‘yang tumayo at pumunta sa harap ko. Naramdaman ko na lang na niyakap niya ako.

Nakaramdam ako ng magaan sa loob ko.

“Im sorry.” Naramdaman ko rin ang labi niya sa noo ko. “Ngayon pa lang kita nahawakan, masaya sa pakiramdam na mayakap ka Eashana. Hindi ko nakita ang paghakbang mo, ang paglaki mo at kung paano ka tumawa sa pagka-bata.”

Naramdaman ko ang panginginig niya, siguro dahil sa sinabi niya na ngayon niya pa lang ako nalapitan at nahawakan.

Pero sa tingin ko, okay na rin na gano‘n ang nangyari, kasi kung hindi, baka hindi ako ang makikilala ni Herron at Amare, baka si Danica ang nasa position ko.

Iniisip ko pa lang, naiinis na ako na nagseselos.

Ayos lang ba na isabay ka sa ‘ki‘ng kumain?”

A Compassionate A CompassionlessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon