Chapter 99

10 3 0
                                    

Memories

Herron‘s Pov

I punched the wall. Pagkatapos kong gawin ‘yon, pabagsak akong humiga.

He kissed her! He kissed Eashana! He kissed my girl!

Hindi ko namalaya‘ng nakatulog ako. Nai-tulog ko ang galit at selos. Hindi ako masayang gumising—pero kailangan kong bumangon dahil may pupuntahan kami ni Eashana.

Pumayag s‘yang mamasyal. Kahit na galit ako, nakangiti akong pumasok ng banyo at agad na sinindihan ang shower.

Nakita ko kung ano ang nangyari, pero ayaw kong magalit kay Eashana—hindi ko gustong magalit sa kan‘ya, pero, bakit?

Alam ko na ang sagot—alam na alam ko, ayaw ko lang aminin sa sarili ko, natatakot akong masaktan sa katotohanan, natatakot akong ‘yon nga ang dahilan.

Iniisip ko pa lang, nasasaktan na ako, paano pa kung... kung totoo at marinig ko mismo.

Isa yon sa dahilan kung bakit nilayo ko siya kay Amare—isa ‘yon sa dahilan kung bakit ginagawa ko ang pa-ibigin siya.

Pero, wala, nauwi sa wala.

Siya pa rin ang hanap niya, ang gusto n‘yang makasama.

Gusto niya ako, pero mas gusto niya siya.
Mas malapit kami, pero mas sa kan‘ya ang lapit niya.
Hanap niya rin naman ako, pero mas hanap niya siya.

Sandali akong tumigil sa pag-hilamos ng buhok ko at hinayaan ang shower na bumuhos sa ‘kin.

Why?

Napansin ko na lang sarili ko na nag-aayos na. Simple lang ang sinuot ko, hindi ko na inintindi kung ano.

Pag-labas ko ng k‘warto, kaka-labas lang din niya. Simpleng pantalon at shirt thuck in ang suot niya, naka-pony tail din siya.

Simply lang pero iba pa rin ang dating.

Tara?

Tumango lang siya, hindi ko inalis sa kan‘ya ang tingin ko hanggang sa makalabas kami makalapit sa sasakyan, inalalayan ko rin s‘yang maka-sakay.

Masaya ako pero ang isip ko, nando‘n pa rin sa nakita ko kagabi.

Napa-kagat ako sa ibabang labi ko para pigilan ang emosyon dahil nakaramdam ako ng kung ano sa puso ko.

“Herron,”

“Hm?”

May lungkot sa tinig niya. Hindi ko gusto ang nasa isip ko pero gusto ko ‘pag binibigkas niya ang pangalan ko.

Masarap sa pakiramdam.

“Kanina, napansin ko na may sugat si Amare... ikaw ba ang gumawa no‘n?” Dahan-dahang tanong niya, nakayuko rin siya.

Gano‘n ba talaga siya ka-halaga sa ‘yo?

Na lahat ng nangyayari sa kan‘ya, inaalala mo?

“I do.”

“Bakit?”

Dahil mahal kita!

Hindi ko siya sinagot dahil alam kong mag-kakaroon pa ng kasunod na tanong—at ‘di ko kayang sagutin. Ayaw kong nakikita na nag-aalala siya sa kan‘ya.

“Uhm... saan tayo pupunta?”

“Enchanted kingdom.”

“Huh?” Mahina at Dahan-dahang tanong niya. Hindi rin makapaniwala ang nasa tinig niya.

A Compassionate A CompassionlessWhere stories live. Discover now