Chapter 35

17 5 0
                                    

Tears

Herron‘s Pov

Finally you‘re here.

Siya na lang ang hinihintay, ang tagal dumating akala mo kung sino.

Nakatayo ako sa mismong pinto dahil gusto kong salubungin siya—salubungin siya para sabihang kailangan n‘yang mag-linis nang siya lang.

Sa t‘wing darating ang mga kaklase namin, tinuturo ko ang labas kahit na nasa pinto pa lang ako  Naiintindihan naman nila dahil tumtalikod sila para umalis at tumambay sa covered court.

Hindi ko rin nakita ang lima,

yeah, alam nilang homeroom guidance ngayon kaya hindi na sila dumaan dito.

Gano‘n din ang ginawa nina Troi, hindi na rin nakipag-tigasan si Exell na s‘yang sa tingin kong inaabangan niya.

Palinga-linga kasi siya.

Hinahanap mo na rin ba ang presens‘ya ni Exell?

Hindi siya sumagot at humakbang na papasok at dinaanan ako.

Umalis ako sa pinto at sinundan siya. Sabi naman sa ‘yo, hindi mo makukuha ang loob niya.

Pero nand‘yan sina Hanz!

Napansin ko ang paghinto niya nang tuluyan na s‘yang makapsok. Nagtataka n‘yang nilibot ang tingin.

Sino‘ng hindi magtataka?

Pinag-handaan ko na dahil nga siya ang maglilinis.

Nakapa-square ang mga upuan kaya maliwalas sa gitna, ‘yan ang ayos na iniwan ng mga cleaners no‘ng Friday.

Kasama siya sa cleaners pero hindi siya naglinis kaya sa kan‘ya ko ipapalinis ang buong classroom.

Bukod sa punishment niya yon, isa na rin ‘yan dahil sa pagtakas na ginawa niya.

Maraming beses na s‘yang tumakas dahil sa pa-alis-alis na ginagawa niya.

Hindi lang din basta punishment kaya...

Kahit nakapa-square ang mga upuan, pinagulo ko kaya wala sa tamang ayos, pinakalat ko rin ang mga kurtina sa sahig kasama ang mga bakal niya, maging ang mga basura na pina-buhos ko sa trash can, hiwa-hiwalay ang mga libro sa shelves na hindi arrange ang mga subject, maraming sulat ang blackboard, wala rin sa ayos ang mga naka-pin sa bulletin board.

In short, parang tambakan ng basura ang room.

Nasa gitna silang lahat, ang mga gamit na nasa cabinet, nasa sahig din, maging ang mga pang-linis na nasa likod ng cabinet.

Umaalingasaw rin ang amoy.

Tinitiis ko ang amoy pero dahil ito ang kailangan n‘yang gawin at para maka-siguro na gagawin nga niya ng tama at maayos, titiisin kong manatili rito.

Alam mo na ang gagawin.

H-hindi ko kayang linisin lahat ‘yan nang ako lang.

Kayanin mo.

Lagi naman akong naglilinis ng room.

Maraming beses kang umalis. Hindi ko na siya hinintay na magsalita. O baka nahihiya ka pa rin?

Hindi gano‘n ka-dali mawala o kalimutan ang ginawa n‘yang ‘yon.

A Compassionate A CompassionlessWhere stories live. Discover now