Chapter 107

11 2 0
                                    

Thinking of You

Eashana‘s Pov

Hindi ko aasahan na magagawa niya ‘yon.

Kailan siya titigil?

Sa sasakyan ako ni Amare sumakay. Hindi ko na rin kasi siya gano‘n na nakakasama.

Tsaka gusto kong malaman ang tungkol sa ginawa nila ni Ferina. Alam kong sa room lang nila ginawa ‘yon.

Amare,

Hm?

Kamusta pala kanina sa performance?

Nagustuhan nila ang design ni Ferina.

Talaga?

Sandali s‘yang buamaling sa ‘kin. Ngumiti ako sa kan‘ya.

May picture ka ba?

Oum,” tsaka niya ginamit ang isang kamay niya pangkuha ng cellphone niya sa bulsa ng pants niya tsaka ‘yon inabot sa ‘kin.

Nakangiti kong binuksan ‘yon, pero mas napangiti ako dahil ako ang wallpaper niya.

Pinipigilan kong ‘wag ngumiti dahil baka mahalata niya.

Dinala ko na ‘yon sa album niya, agad ko namang nakita. Tatlong shots ‘yon.

‘yong una, nakaharap siya, whole body na parang nakapa-side ang pagkakakuha.

Halata rin na galing sa camera, nakahawak ang isang kamay niya sa beywang ng pants na suot niya at ang isa naka-baba lang.

Ang sunod naman, nakatalikod siya at ang mukha niya nakaharap sa camera na bahagyang naka-hanagad, hindi siya nakangiti rito pero bahagya rin‘ naka-buka ang labi niya.

Ang pangatlo naman, naka-cross feet siya
habang nakaharap sa pader, pero nakatukod ang dulo ng paa niya sa sahig at ang kaliwang kamay niya, naka-hawak sa pader na naka-taas ang kamay, ang isa naman, naka-baba lang.

Gano‘n pa rin naman ang ayos ng buhok niya pero pinagulo nila ‘yon.

White polo long sleeve na stripe-stripe, naka-open ang dalawang botones at naka-thuck in ‘yon sa white pants din na parang light caramel ang kulay at white rubber shoes.

Alam kong g‘wapo si Amare, pero mas lalo na rito. Iba kasi ang ayos niya rito. Simple lang ang damit pero maganda.

Malinis at presko ang dating, nakangiti rin siya sa pangatlong kuha niya na kita na ang ngipin, sa una kasi nakangiti siya pero hindi kita ang ngipin.

Baka siya lang ang nagustuhan nila kaya gano‘n.

Kukunin ko ‘to a?” Nakangiting baling ko sa kan‘ya.

Of course, kahit hindi mo ipaalam.

Masaya at nakangiti kong in-open ang account niya at pinasa sa ‘kin. Bi-nack ko na ‘yon tsaka inabot sa kan‘ya.

Hold it first,” binuksan ko ulit ang phone niya at nag-hanap ng games.

Isa lang ang games niya, subways. Nilaro ko ‘yon.

Narinig ko na tumatawa siya, tawa na natutuwa.

Hininto ko lang ‘yon nang makarating na kami sa bahay.

Halos sabay-sabay kaming tatlo na bumaba. Suot ni Herron ang bag ko, sabi kasi niya siya na raw ang magdadala no‘n.

Magluluto na ako.”

A Compassionate A CompassionlessWhere stories live. Discover now