Chapter 27

17 5 0
                                    

Exell

Eashana‘s Pov

Nagising ako nang makarinig ng ingay sa baba. Pero hindi ko kayang tumayo dahil nanlalambot ako.

Agad din akong nakaramdam ng gutom dahil hindi ako naka-kain kagabi.

Hindi ko na lang inisip ‘yong nangyari kagabi dahil ayaw kong malungkot.

Bumangon na ako at nag-ayos na lahat-lahat.

Tia? Tio?

Boses ‘yon ni Herron, gulat at hindi makapaniwala ang nasa tinig niya. May kasama rin‘ pamamangha.

Bakit parang hindi ka masaya na nandito kami? Nakaka-gulat ba ang pag-dating namin? Hindi ba sinabi sa ‘yo ni Amare? O baka naman may ginawa ka na naman?

Kind of,

nakita ko ang pag-iling ni Tito—

Tito? Tita? Mama Papa ni Amare?

Nandito na sila?

Hindi ka pa rin talaga nagbabago sobrino. Boses ‘yon ni Tita.

(Trans: Pamangkin.)

Nagmadali akong bumaba para salubungin sila.

Tita! Tito!

Eashana!

Agad akong tumakbo sa gawi nila at niyakap sila. Kahit na hindi ko sila tunay na mga magulang, pakiramdam ko nand‘yan sila Mama at Papa.

Kamusta ka Hija?

Nakangiting tanong ni Tita habang nakahawak sa pisngi ko. Tipid akong ngumiti at muli silang niyakap.

May problema ba? Bakit ang init mo?

Wala po Tito.

Mukhang may lagnat ka?

Ramdam kong nakatingin sa ‘kin si Herron, pero hindi ko na siya nilingon. Ayaw ko rin naman na sisihin siya.

Ayaw ko rin‘ mag-sumbong, baka kasi lalo lang s‘yang magalit sa ‘kin—ayaw ko rin na mapagalitan siya.

Pagod sila at Busy rin.

Umiling ako sa kanila at ngumiti.

Naulanan lang po.

Gano‘n ba? Tamang-tama nagluluto ako. Ipagluluto na rin kita ng sabaw.

Ngumiti ako at tumango. Thank you po.

wag ka muna kayang pumasok ngayon. Suhesyon ni Tita.

Umiling ako at ngumiti. Kaya ko naman po, papasok na lang po ako.

Gano‘n ba? Sige. Ikaw‘ng bahala.

Me‘ron pala kaming pasalubong sa ‘yo.

Nakangiting saad ni Tito tsaka may kinuhang tatlong bag sa sofa.

Binilhan ka namin ng bagong damit at sapatos. Tsokolate at iba pang pangangailan. Nandito na rin ang sobre. Masayang saad niya at nilahad ang mga bag.

Tito—

Regalo namin sa ‘yo ‘yan, matagal din kaming nawala. Para ka na rin naming anak. Hanggang ngayon ba, nahihiya ka pa rin?

A Compassionate A CompassionlessWhere stories live. Discover now