Chapter 42

20 4 0
                                    

Ang Totoong Plano

Eashana‘s Pov

Sinimulan ko na ang pagsususlat tungkol sa binigay sa ‘kin na dapat kong gawin.

Hindi ako marunong sa ganito, wala akong alam sa pagbuo ng sariling idea tungkol sa pag-jo-journalism.

Walang pangalan na ilalagay, patungkol lang sa mismong sport.

Sinubukan kong mag-search para may makuhang idea o may masundan. Parang madali pero mahirap kapag ikaw na mismo ang gagawa.

Wala naman din akong hilig sa sports kaya wala akong alam.

| Ang basketball sport ay ang pinaka-mas gamit sa pang-araw-araw, hindi nawawala ang sport na ‘to kahit sa anong okasyon, madali itong laruin kompara sa ibang sport.

Kahit nakahiga ka, p‘wede kang maglaro nito, maganda at Nakaka-relax~~|

Hindi ko tinuloy o natuloy dahil hindi ko alam kung tama ‘yong sinusulat ko.

Marami kami, kaya hindi ko alam kung p‘wede ‘yong sa ‘kin.

Kaya imposible rin na manalo ako—gusto kong manalo dahil ayaw kong sumali sa quiz bee.

Nalaman ko rin na kasali sina Troi—naalala ko tuloy ‘yong nangyari kahapon.

yong mga sinabi ni Danica.

Akala ko okay s‘yang kasama. Pumasok sa isip ko no‘n na kaibiganin siya pero hindi ko naman alam na gano‘n ang sasabihin niya.

Hindi totoo ang mga sinabi niya.

Nakakaramdam pa rin ako ng kaba kapag naaalala ko ‘yong galit na presens‘ya ni Herron.

Alam ko naman ang gagawin ko.

Naiinis ako pero hindi inis na galit, naiinis ako kasi gano‘n sila magsalita.

Porket ba nakikipag-usap ang babae sa lalaki ma... malandi na?

Siguro, sinasabi nila ‘yon dahil sa ginawa ni Exell.

Hindi ko na inisip at pinag-patuloy na ang ginagawa. Hindi ko na lang sila kikibuin. Doon ko na lang sila kakausapin kapag kakausapin nila ako.

Hindi ko na lang sila titingnan, hahayaan ko na lang. Isa lang ako, marami sila.

++++++++++

Herron‘s Pov

Napapansin ko ang pag-iwas sa ‘kin ni Danica at alam ko ang dahilan no‘n.

Inulit na naman niya.

Totoo naman ang sinabi niya, pinilit—

Hindi,” pigil ko sa kan‘ya.

Kung hindi kita gusto, tingin mo ba magiging girlfriend kita?

Niyakap ko siya para patahanin pero humiwalay rin siya.

Babalik na ako sa upuan ko. Nand‘yan na siya.

Tumango ako at ngumiti. Bahagya kong hinaplos ang buhok niya bago siya hayaang tumayo.

Hindi ko man tingnan pero ramdam ko ang dahan-dahang pag-upo niya sa tabi ko.

A Compassionate A CompassionlessWhere stories live. Discover now