Chapter 60

18 3 0
                                    

Childhood Memories

Herron‘s Pov

Hindi na kami nagsalita matapos no‘n, ngayon ko lang din napansin na, kasama namin sila at nakikinig lang.

Sinabi rin ng doctor na p‘wede na kaming pumasok, tama rin na natapos kami sa pag-uusap.

Pero ako lang ang pumasok.

Dahan-dahan ang bawat hakbang ko palapit sa kan‘ya.

The girl who I really love.

Naramdaman ko ulit ang panghihina hanggang sa makalapit sa kan‘ya. Umupo ako sa isang upuan at tinabi sa kan‘ya.

Masaya ako at Natutuwa dahil hindi totoo ang sinabi ni Zein, totoo man o hindi, matatakot pa rin ako.

Pero mas natakot ako sa sinabi niya.

Ang mga sugat niya na nadagdagan pa, ang pagkawala niya ng malay dahil sa usok, ang panlalambot niya no‘ng kumanta siya ay dahil sa nagkaroon siya ng lagnat.

Wala na rin akong nakitang itim-itim sa pisngi niya. May mga cream na rin ang mga sugat niya.

Nag-aalangan kong hinawakan ang kamay niya tsaka ‘yon hinalikan.

Hindi ko gusto ang sinabi mo. Hindi mo ako p‘wedeng iwan. Pero tama sila, paano ko maipapakita sa ‘yo na mahal kita kung ikaw mismo ang lalayo sa ‘kin.

Sabagay, kasalanan ko ang lahat. Kaya kailangan mong magalit sa ‘kin. Karma sa ‘kin ang lahat. Pagkawala ni Mom and Dad, ang pagiging galit sa ‘kin nina Wendell at ang mangyayari‘ paglayo mo sa ‘kin.

Nasisiguro ko na ‘yon.

Natatakot ako sa mangyayari—pero wala akong karapatan na matakot at masaktan.

Hindi ako pumayag sa gusto ni Wendell dahil hindi ko gustong mahawakan ng ibang babae, ayaw kong makipag-relasyon sa babae‘ng hindi ko gusto.

Natatakot din akong malaman mo ang totoo.

Napangiti ako nang may maalala.

Naaalala mo pa ba kung paano tayo nagka-kilala? Napaka-kulit mo at Napaka-iyakin.

Ang totoo, ayaw kong sumama sa pag-uwi rito at manirahan, pero buti na lang, napa-payag nila ako dahil kung hindi, hindi kita makilala.








Flashback

Hijo, nos vamos a casa a las Filipinas. continuarás tus estudios allí.

(Trans: Anak, uuwi tayo ng Pilipinas. doon mo na itutuloy ang pag-aaral.)

"De Verdad? Es eso cierto, Mamá?"

(Trans: Talaga? Totoo po ba ‘yon, Mama?)

Pero no me gusta.

(Trans: Pero hindi ko po gusto.)

El Abuelo dijo, voy a terminar aquí, desde la escuela Primaria hasta La Universidad”

(Trans: Ang sabi po ni Lolo, rito po ako magtatapos, ng Elementary hanggang Kolehiyo.)

Don‘t you want to meet your cousin? Dad.

A Compassionate A CompassionlessWhere stories live. Discover now