Chapter 24

18 5 0
                                    

Anger

Eashana‘s Pov

Kumain ka na. Napa-angat ako ng tingin kay Darwin.

Parang nakakatakot ang dating ng tinig niya kahit normal naman ang boses niya na mahinahon at magaan.

Naka-pants siya at t-shirt na white sa loob, naka-suot din siya ng coat na hanggang binti na brown, ang sapatos niya na parang may takong na brown din.

Umiling ako. Ayaw kong kumain. Hindi ako kakain, hindi ko kakainin ang binibigay niya.

“Hindi p‘wedeng hindi ka kumain.”

Hindi ako kakain. Hindi ako nagugutom.

“Gano‘n ba?” Kalma lang nang sabihin ‘yon at ngumiti na parang ngisi.

Tumango-tango rin siya nang sabihin ‘yon.

“Sige,” mahina at mababa ang tinig niya, para rin‘ pa-suko ang nasa tinig niya.

Isi-nide niya ang ulo niya at tiningnan ang kabu-uan ko.

“Hindi ba talaga tinamaan sa ‘yo si Herron?”

Dahan-dahan na saad niya. “Sabagay, mas higit pa si Danica.” Ngumisi siya at umalis.

Bakit kailangan nila akong ikompara sa kan‘ya?

Binaba ko ang tingin sa sarili ko, do‘n ko lang napansin na marumi na ang uniform ko—ito pa naman ang uniform na bili ni Mama.

Naka-upo ako sa semento, walang sapin kaya hindi maiwasan na hindi ako mangati. Gusto kong kamutin pero nakatali ang mga kamay ko sa isang kahoy na naka-baon dito.

Do‘n ko lang din napansin ang pagkain na dinala niya sa ‘kin.

Ang totoo, nagugutom na ako at nauuhaw. Ayaw ko lang na kainin, natatakot kasi ako na baka kung ano ang me‘ron do‘n.

Kahit na ganito na ako tratuhin ni Herron, tiwala pa rin ako sa kan‘ya. Kampante pa rin ako sa kan‘ya.

Umurong ako palapit sa pagkain. Gagamitin ko na lang ang bibig ko pang-kain na parang aso.

Yuyuko na sana ako para gawin ‘yon nang may maaninagan akong dalawang itim na pares ng sapatos.

E-exell?

Hindi makapaniwalang bigkas ko sa pangalan niya nang mag-angat ng tingin—akala ko isa sa kanila.

Nilagay niya sa labi niya ang hintuturo niya. Pansin ko rin na parang galit siya, seryoso at walang emosyon ang mukha niya. Medyo naka-kunot din ang noo niya.

Me‘ron s‘yang kinuha sa bulsa ng pantalon niya at walang sabi-sabing umupo siya para pantayan ako.

Ililigtas kita.

Pagka-sabi niya no‘n, mabilis n‘yang hiniwa ang mga lubid na nakatali sa mga paa ko tsaka siya pumunta sa likod ko hanggang sa maramdaman ko na lang na wala na ang mga tali sa mga kamay ko.

Nakaramdam ako ng ginhawa. Pumunta naman siya sa harap ko at lumuhod.

You‘re safe now.

Saad niya tsaka niya ako inalalayang tumayo. Hindi ko na napigilan at napaiyak dahil sa lungkot at tuwa.

E-exell...Nanghihinang tawag ko sa kan‘ya.

A Compassionate A CompassionlessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon