Chapter 29

18 5 0
                                    

By Her Side

Exell‘s Pov

You‘re awake.”

“Hm?” She groaned habang mahina n‘yang kinusot-kusot ang mata niya.

Humihikab din siya. Pa-simple akong napatawa dahil sa kilos niya.

Cute,

Makikita ang pagod sa mga mata niya, halata rin‘ inaantok pa siya pero napa-ayos siya ng upo nang makita ako.

E-exell?” Mahina pero may gulat sa tinig niya nang bigkasin ang pangalan ko tsaka niya nilibot ang tingin.

Nasa‘n ako?”

“Sa bahay ko.”

“B-bahay mo?”  Nagtatakang tanong niya. Tumango naman ako.

May bahay rin ako rito,” dagdag ko pa.

Talaga?

Hindi makapaniwalang saad niya, mahihimigan din do‘n ang saya. Hindi ko maiwasan ang hindi mapangiti sa t‘wing ganito ang reaction niya.

“Hindi ko alam na may bahay ka pala rito, kung gano‘n, magka-lapit lang ang bahay natin.” Nakangiting saad niya.

“Magka-lapit?”

Isa pa ‘yon sa pinagtataka ko,

“Uhm... dito... sa lugar na ‘to kasi talaga ako nakatira—kami nila Mama at Papa, naisip ko lang din na bumalik dito kasi...”

Halatang hindi niya tinuloy ang sasabihin niya—alam ko na rin ang ibig n‘yang sabihin.

Umiiwas siya kay Herron.

“I‘m sorry, I didn‘t know.”

Alam ko rin kung ano ang nangyari sa pagitan nila.

Ngumiti lang siya at umiling.

Dito ka ba madalas?” Pag-iiba niya, halatang tinatago niya ang totoong emosyon.

“No, bumibisita lang ako rito para mag-ayos.”

“Aalis ka rin?” Tumango ako.

Pa‘no ka pala ako nakapunta rito?” Dahan-dahang tanong niya pagkatapos ng ilang segundo.

“Aalis na sana ako pero nakita kita sa gate. Kaya binuhat kita rito dahil nakatulog ka sa bike.” I explained.

Biglang nag-iba ang expression niya na parang may naalala, pero binalik din niya sa normal.

May nangyari ba?”

Nag-aalala at Dahan-dahang tanong ko, bahagya rin akong yumuko at isi-nide ang ulo ko para sulyapan siya dahil yumuko siya.

Naibaba ko ang tingin sa mga hita niya nang mapansin na mahina n‘yang kinurot-kurot ang mga ‘yon. Nag-angat din siya ng tingin at ngumiti tsaka umiling.

“Kasi, bumalik ako sa bahay namin dati. Galing akong grocery pero hindi ako natuloy, hindi ko rin alam na bahay mo pala ‘tong nahintuan ko.” Dahan-dahan at mahinang saad niya.

Nakuha ko na,

Then why are crying?”

“Tears of joy.”

“Tears of joy?” 

“Hindi ako naniniwala.” Mabilis na dagdag ko.

“Totoo ‘yon, natutuwa ako kasi, pakiramdam ko makakasama ko ulit si Mama at Papa. Miss ko na rin ang bahay. Hindi pa kasi ako ulit nakakabisita simula no‘n.”

A Compassionate A CompassionlessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon