Chapter 62

13 4 0
                                    

Enrollment

Herron‘s Pov

Continuation Of Flashback

Sa iisang van kami naka-sakay papunta‘ng school na papasukan namin.

Chevalier...

Malapit lang ang school. Minuto lang ang byahe. Papasok pa lang kami ng gate pero nakikita ko na ang mga batang ka-edaran namin.

Napangiti ako nang sulyapan si Shan sa tabi ko. Nakasuot siya ng mahabang medyas para matakpan ang sugat niya. Longsleeve rin ang daster na suot niya.

Sandali ko pa lang s‘yang nakasama pero parang kilala ko na siya.

“Masaya sa school namin, kaya lang si Amare lang ang close ko kasi ayaw nila akong maging friend.”

Nakangusong sabi niya.

“Hindi ko rin sila ka-kaibiganin, tayo na lang ang mag-sama, mas okay kung tayo-tayo lang. Basta sabihin mo sa ‘kin kung may aaway sa ‘yo.” Ngumiti siya at ngumuso.

Mas gusto ko ‘yon, baka kasi me‘ron s‘yang ibang maging kaibigan na p‘wedeng umaway sa kan‘ya o kaya baka may lalaki s‘yang maging kaibigan.

Hindi p‘wede ‘yon, kami lang ni Amare ang dapat na kaibigan n‘yang lalaki—pero mas maganda kung ako lang.

Naramdaman ko na lang na huminto na ang sasakyan at naka-park.

Naunang bumaba ang mga magulang namin, tsaka nila kami inalalayan, pero tumanggi ako. Napatawa sila dahil do‘n. Sasabay lang ako sa kanila pero ayaw kong magpa-alalay

Kaya ko naman.

Tumabi ako kay Shan at hinawakan siya sa wrist, hindi siya nagtaka tumingin lang siya sa ‘kin, alam ko na nagulat siya ro‘n pero nginitian ko siya—gano‘n din siya.

Napatingin ako kay Amare na nasa tabi niya na ramdam kong nakatingin siya sa ‘kin.

Gusto kong mapalapit sa ‘kin si Eashana. Gusto kong mas malapit siya sa ‘kin kaisa sa kan‘ya.

“Tara rito tayo.”

Si Auntie Sheena, sinundan naman namin siya.
Hanggang sa maka-pasok kami sa covered court, marami na rin kaming nakitang mga ka-edad namin at ang iba ay medyo matanda sa ‘min.

Pumila kami sa table 2 dahil do‘n daw ang pila ng mga mag-ge-grade two.

Ang mga magulang na raw namin ang pipirma ng form, habang kami pa-akyat ng stage para raw magpa-ID.

Nailibot ko ang tingin kanina, maganda at malaki ang school.

Natapos kami sa mga dapat gawin tsaka kami bumalik ng sasakyan at bumiyahe papunta‘ng mall para raw bumili ng school supplies.

“Mama gusto ko po kaklase ulit si Amare, pati na rin po si Herron.” Makulit na request niya.

“Hindi p‘wede ‘yon, kaya naging mag-kaklse kayo kasi nagkataon ‘yon.”

“Nagkataon?” Malungkot na saad niya. Medyo masaya rin ako kasi may naiintindihan na ako sa salita nila. “P‘wede po bang sabihin sa Teacher?”

Pero hindi pa rin talaga ako marunong.

“Hindi anak, sila kasi ang mag-lalagay sa inyo kung saang section kayo.”

“Paano po kung hindi ko sila kasama? Wala akong friend.”

Natawa naman sila. “Hindi p‘wedeng wala.”

A Compassionate A CompassionlessWhere stories live. Discover now