Chapter 67

14 5 0
                                    

Behind His Acts 4 - Your safety

Herron‘s Pov

Inasar kita at napag-tripan dahil natutuwa ako kapag naaasar ka.

Pero nawala ‘yon no‘ng itanong mo ‘yong sa forum. Isa na naman ‘yon sa plano ko.

Ang pahiyain ka sa lahat.

To prove them, na wala ka nang halaga sa ‘kin—na malaking kabaligtaran!

Nag-aalala ako dahil gabi na at wala ka pa, alam kong maaga pa pero hindi ko binalewala ang bawat segundo lalo na sa sitwasyon.

Hinanap kita, hindi ako tumigil kakahanap sa ‘yo Pumunta ako sa mga lugar na may posibilidad.

Dalawa kaming lalaking kaibigan mo, pero pareho ka naming sinaktan.

Hindi lang dalawa—we are ten, pero lahat kami pinabayaan ka.

I‘m late!

Pero hindi ‘yon ang mahalaga. Halos wala akong tulog, hindi ko kayang kumain, dahil sa pag-iisip kung nasaan ka.

Nagawa kong hindi galangin ang teacher na nando‘n dahil sa galit.

Nagtalo kami ni Amare, dahilan ng mga pasa namin sa pisngi dahil sa pagtuturuan.

But it‘s me,

You‘re my obligation, you‘re my responsibility,

Alam ko ang ginagawang pagtawa ni Troi at wala akong gana,

I‘m tired.

Pero hindi ako susuko, hinding-hindi Eashana, nakarating din sa ‘kin ang mga sinabi ni Troi kay Thea nang sundan niya siya.

Ang pag-ngisi na ginagawa niya, ay dahil ‘yon sa alam n‘yang alam ko ang mga sinabi niya.

Me’ron lang s’yang gustong makita—and it’s me, my reaction.

Dahil sumunod ako sa kan‘ya.

No‘ng dumating ka nang gano‘ng ayos, hindi mo alam kung gaano ko ka-gustong yakapin ka at hagkan.

Pinahanap kita kay Izene—hindi totoong hindi ko ginawa ‘yon at no‘ng malamang si Thea ang dahilan nang lahat, gusto ko s‘yang komprontahin pero ayaw kong malaman niya na may alam ako at isipin na totoong may paki-alam ako kaya si Amare ang komonpronta sa kan‘ya.

Hindi mo alam kung gaano ako ka-galit sa ginawa niya sa ‘yo!

You lied to me at naiintindihan ko kung bakit.

Natatakot ka na may alam ako at baka magalit ako dahil naka-takas ka.

Hindi ako, hindi ko magagawa ‘yong gano‘n Eashana.

Siguro, nawawalan ka na ng tiwala sa ‘kin dahil sa mga ginawa ko—hindi rin naman ako katiwa-tiwala.

Inunahan ko rin si Exell sa pangangamusta sa ‘yo dahil ayaw kong sa kan‘ya ka nagsasabi ng kalagayan mo, pero naiintindihan ko dahil wala ka nang malalapitan.

Narinig ko ang naging pag-uusap ni‘yo ni Amare at alam kong tinatago lang din niya ang nararamdaman.

We talked!

Napapansin ko rin ang pagiging maalalahanin sa ‘yo ni Exell—at natatakot ako na baka masanay ka sa kan‘ya, na baka hindi mo na ako hanapin, natatakot ako na baka magka-gusto ka sa kan‘ya, dahil aaminin kong mabait at matulungin siya.

Alam ko naman na no‘ng una, ayaw mong lumapit sa kan‘ya dahil sa iniisip mong masasama kami—at katulad nila ako.

Ako lang naman ang nag-layo sa kanila sa ‘yo.

A Compassionate A CompassionlessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon