Chapter 140

13 2 0
                                    

Kagaya ng dati

Herron‘s Pov

Mukha man akong tanga, pero napangiti ako sa sinagot niya.

Nasa kan‘ya-kan‘ya na kaming mga k‘warto, tapos na rin kaming kumain.

Tss...

Hindi na naman mawala-wala ang mga ngiti sa labi ko. Masaya akong natulog, masaya rin akong gumising.

Mabuti na lang at maaga,

Nag-asikaso ako sa sarili tsaka lumabas ng k‘warto. Walang pasok ngayong Friday dahil may meeting ang mga teacher, kaya sa bahay lang kami.

Naghanda ako ng egg, bacon, ham, chicken hotdog, fried rice and milk for my baby.

Narinig ko rin kay Auntie Sheena na Monggo ang hinahanda niya t‘wing Friday—natatandaan ko rin na ‘yon ang niluluto niya sa ‘min.

‘yon ang lulutuin ko mamayang lunch, hinanda ko  lang para maayos na mamaya. Nag-grocery ako kahapon.

Pero, hindi pa rin ako kampante na tawagin sila sa kung paano ko sila tawagin no‘n—dahil wala akong karapatan.

Saktong 6 nang matapos ako sa lahat-lahat, tamang-tama rin nang makarinig ako ng mga yapak.

It‘s her, my baby.

Agad ko s‘yang nginitian—gano‘n din siya. “Good morning.”

“Good morning.” Balik na bati niya.

Lumapit ako sa kan‘ya at hinagkan sa noo tsaka ngumiti nang lumayo.

“Hindi kita natulungan.”

“Hindi mo naman kailangan ‘yon Shan, It‘s my responsibility.”

Ngumiti lang siya. “Hintayin natin si Amare.”

“Sure,”

Gusto ko rin naman na makasama ang duwag na ‘yon.

Hindi naman naging matagal dahil nand‘yan na siya. Minasdan pa niya ang mga nakahanda tsaka siya bumaling sa ‘kin at nagtaas ng kilay.

“Akala ko ba ako ang gagawa n‘yan?”

“Para kay Eashana? Yes, pero para sa‘yo? Nah! Make your own.”

Hindi siya sumagot at dumampot ng hotdog. Tinapik ko ang kamay niya bago pa niya kainin.

“Is that yours?”

“Is that so?”

Tsaka niya ‘yon kinagatan at umupo sa upuan—kung saan kaming dalawa at katapat namin si Eashana na nasa pagitan namin para pantay ang line.

Pare-pareho na kaming naka-upo nang mapatawa kami pare-pareho.

“Walang maglaw-laundry.” Si Amare habang nasa pagkain ang tingin.

“Tayo ang maglaba ng mga damit natin—gaya ng dati,”

“Gaya ng dati?”

Period ko lang sinabi ‘yon, dinaan ko lang sa tanong, chill at kalma na parang sinusuno siya na nasa mababang tinig.

Ngumiti ako sa kan‘ya, gano‘n din siya. “Alright,” kunwaring sang-ayon ko na pina-sigla pa ang boses.

“Ikaw na ang bahala sa ‘kin,” tsaka ko pinatong ang kamay ko sa balikat niya.

“Wha—”

“Ako ang maglalaba ng kay Eashana—but of course, uhm you know, siya ang sa mga gamit na dapat siya lang ang makakakita.”

A Compassionate A CompassionlessWhere stories live. Discover now