Chapter 130

8 2 0
                                    

His word

Eashana‘s Pov

Hindi ko siya tiningnan at tinuloy na ang pagkain, kumakain din naman siya pero ramdam kong nakatingin siya sa ‘kin.

“Masarap ba?”

Oum.” Tango ko nang hindi siya tinitingnan.

“Alas-cuatro pa lang ng madaling araw,” Nai-angat ko ang tingin sa kan‘ya nang sabihin ’yon.

“Alas-kwatro?”

“Inikot ko ng isa ang relo mo, Three am tayo umalis.”

“H-huh?”

Hindi ko inalis ang tingin sa kan‘ya ng tumayo siya at bitbitin ang upuan tsaka tinabi sa ‘kin at umupo.

Naramdaman ko ang kamay niya na humawak sa puso ko tsaka niya ginalaw ang relo.

“Kukulangin sa oras kung aalis tayo ng sakto,” ngumiti siya pagkatapos at inangat ang tingin sa ‘kin tsaka inabot ang bag ko nang hindi inaalis ang tingin sa ‘kin na may kasamang ngiti.

“Iniba ko rin ang oras sa cellphone mo.” Hawak na niya ‘yon.

“Iniba?”

“Yeah,”

“Pero—”

“Hush,” ngumiti siya tsaka nagpipindot.

Ibabalik na sana niya sa bag ko nang hindi niya tinuloy. Napansin ko ang pagtitig niya sa cellphone ko. Mahigpit din ang pagkakahawak niya.

Inangat niya ulit ang tingin sa ‘kin, maamo pero seryoso, hindi na rin siya nakangiti.

“Nag-usap kayo?” Tsaka niya hinarap sa ‘kin ang cellphone.

From: Exell
- P‘wede ba tayong mag-usap? About last night.

Binalik ko ang tingin kay Herron na seryoso pa rin ang mukha.

“May sinabi siya?”

From: Exell
- Ngayon sana, nasa inyo ako—sa Palmera.

Nakaharap pa rin kasi sa ‘kin ang cellphone kaya nabasa ko ang sumunod na text niya, dahan-dahan niya ‘yong hinarap sa kan‘ya.

Nakita ko ang pag-kunot ng noo niya. Seryoso rin ang tingin niya sa screen.

Parang alam na niya ang nangyari.

“Pupuntahan ko na lang—”

“No,” mabilis ang naging paglingon niya sa ‘kin.

“Hindi ko pa rin siya nakikita—”

“Hindi mo naman kailangan na makita siya—mag-kaklase kayo ‘di ba?”

“P‘wede ka n‘yang kausapin sa school mismo—tanga ba siya?”

“Sinisira niya ang magandang umaga—tara,” tsaka niya ako hinila patayo, hindi agad ako nakapag-react dahil tuloy-tuloy din ang hila niya sa ‘kin.

Nakarating kami sa sasakyan niya at pabagsak ang naging pagsara niya ng pinto.

“Sorry—”

“No, I’m sorry.” Nilingon niya ako at ngumiti pero binalik din niya agad ang tingin sa daan.

Naging tahimik kami hanggang sa ihinto niya ang sasakyan sa park na nadaanan namin.

Inalalayan niya ulit akong maka-baba, nauuna siya sa ‘kin sa paglalakad hanggang sa huminto siya sa parang may railings at humarap do‘n tsaka pinatong ang parehong kamay.

A Compassionate A CompassionlessOnde as histórias ganham vida. Descobre agora