Chapter 75

17 4 0
                                    

New Life

Eashana‘s Pov

Lumipas ang mga araw at gano‘n pa rin, iniiwasan ko sila at hindi kinaka-usap.

Nalaman ko na lang din na no‘ng madaling araw na nakita ko si Herron ay huli na, dahil pumunta s‘yang police at pinakulong ang sarili.

Nalaman na rin nina Tita Maricel at Tito Edward ang nangyari, kahit ang mga magulang ng mga kaibigan nila. Nagalit sila at nadismaya. Natulala rin sila at hindi makapaniwala.

Nalaman din nila ang tungkol sa ‘min nina Wendell. Napa-iyak sila dahil sa galit at dismaya. Nalaman nila lahat-lahat pati ang mga ginawa niya—nila sa ‘kin.

Natapos ang birthday ni Amare no‘ng March 10 nang hindi masaya. Walang kahit na ano. Hindi ko rin siya binati. ‘yong kay Herron, do‘n siya nag-birthday no‘ng April 20, hindi rin masaya—hindi ko rin siya pinuntahan.

Nalaman ko rin na pang-habang buhay dapat siya at... at papatawan ng kamatayan—at aaminin kong nakaramdam ako ng takot,

hindi ko alam bakit gano‘n, pero no‘ng malaman ‘yon, kinabahan ako at... at... nakaramdam ng pag-aalala.

Galit ako at Ayaw ko s‘yang makita at makasama pero ayaw kong mangyari rin sa kan‘ya ‘yon.

Ayaw kong mawalan ulit...

Kaya lang, pagkatapos ng huling linggo ng May, bumalik siya—kasama ang Uncle Jack niya.

Hindi ko alam kung bakit, ang alam ko lang may pinirmahan s‘yang kontrata at pinalaya.

Nalaman ko lang ‘yon no‘ng nagku-k‘wentuhan si Tita Maricel, Tito Edward at Tito Jack niya.

Hindi raw nila gustong gawin ‘yon dahil ayaw nilang kinukunsinti at ayaw nilang isipin ng iba na dahil Tito niya siya.

Nang makabalik ulit siya, aaminin kong na-miss ko siya. Napapansin ko rin na ginagawa niya ulit sa ‘kin kung paano niya ako asikasuhin no‘n.

Nauuna pa siya sa ‘ki‘ng gumising at may naka-handa na na pagkain.

Sinabayan din niya ako sa pagbili ng mga gagamitin sa school—gano‘n din si Amare.

Kinakausap nila ako pero hindi ko sila pinapansin.

Nalaman ko rin na okay na sa school. At sa mga ilang araw na pumasok kami, walang ingay, tahimik at pangangamusta ang narinig ko sa kanila at pag-so-sorry. Naging tahimik din si Thea at si Danica na may sama ng loob sa ‘kin.

Siya pa gano‘n.

Graduation, masaya pero hindi sobra. Si Tito Edward at Tita Maricel ang nag-sama sa ‘kin at kay Herron.

Kung sanang hindi niya ginawa ‘yon—si Mama at Papa ang kasama ko.

Nalaman niya ang totoo, kaya nilalapitan na niya ako. Pero kung hindi niya pa nalaman, siguro masaya pa siya na nangyari sa ‘kin ‘yon.

(‘I saved you.’)

Nakita ko ang ayos niya no‘n, ramdam ko naman na totoo ‘yon, pero hindi pa rin no‘n mababago ang ginawa niya.

May buhay pa si Mama at Papa...

Ayaw kong isip-isipin ‘yon dahil... nalulungkot ako at ‘di ko kaya na sabihin ang nagawa ni Herron, kasi... parang... hindi ko kaya na may isipin akong masama sa kan‘ya.

Pero, hindi ko siya kayang tanggapin—silang lahat.

Sinungaling sila.

Hinayaan ko lang na ilugay ang buhok ko, bumalik na rin siya sa pagiging natural straight.

A Compassionate A CompassionlessNơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ