Chapter 93

10 3 0
                                    

His Encouragement

Eashana‘s Pov

Hurt me Eashana, saktan mo lang ako tatanggapin ko, kahit ano‘ng gawin mo tatanggapin ko, ‘wag mong itigil hangga‘t hindi gumagaan ang pakiramdam mo. Make me miserable, make me suffer Eashana! I deserve it!

Hindi ko kaya.

Dahan-dahan kong nilayo ang mukha ko at nag-angat ng tingin sa kan‘ya, nakita ko rin na namumula ang mata niya.

Inabot ko ‘yon at pinunasan, bahagya si‘yang pumikit, hinawakan niya ang kamay kong nasa pisngi niya at dinala ‘yon sa labi niya tsaka hinalikan.

“Go on. Do it.

Umiling ako.

Ginamit niya ang isang kamay niya at dinala sa batok ko tsaka ako hinila palapit sa kan‘ya, naramdaman ko na lang ang labi niya sa noo ko.

Why you‘re so kind?

Hindi ko siya sinagot. Bigla na lang s‘yang ngumiti.

Tutulungan kita para ma-i-drawing mo s-sila.

Tumango ako tsaka niya ako binitawan. Alam kong nahihirapan s‘yang tulungan ako sa ganito lalo na‘t...

Napayuko ako at sinimulan silang iguhit, wala akong ginayahan, magka-tabi sila habang naka-upo sa monoblock, magka-hawak din ang kamay nila.

Ramdam kong pinapanood niya ako. Sinunod kong iguhit ay ako sa gitna nila sa likod habang naka-akbay ako sa kanila, tsaka ko ginuhit si Amare sa left side na kung saan hawak ng isang kamay ni Mama ang isang kamay ni Amare.

At si Herron sa right side kung saan naman hawak ng isang kamay ni Papa ang isang kamay niya at ang tig-isang kamay nila, naka-akbay sa ‘kin.

Nakangiti kami sa drawing pero ang ngiti na may lungkot. Sinad‘ya ko na gano‘n ang maging tema niya.

“I-including m-me?” Napalingon ako kay Herron tsaka siya nginitian.

T-tayo kasi ang mas natatawag na pamilya, kasi tayong lima ang laging naiiwan. K-kaibigan ko pa rin kayo, k-kaibigan pa rin kita.

Kinagat niya ang pang-ibabang labi niya tsaka ako hinawakan sa pisngi na pati bandang leeg ko nahahawakan din niya.

T-thank you, I love you.” Ngumiti ako sa kan‘ya. Hindi na ako magugulat dahil sinasabi naman niya ‘yon sa ‘kin—sila ni Amare.

Hindi rin naman masama na mag-i-love-yuhan ang mag-kaibigan na babae at lalaki. Dahil sinasabi ko rin sa kanila ‘yon.

Mahal din kita Herron.” Bigla niya na lang ako hinila para yakapin.

Niyakap ko rin siya dahil, miss ko rin siya.

+++++++++

Herron‘s Pov

Yeah, she said  I love you but as her best friend.

Sana sa sunod na sabihin niya ‘yon, bilang lalaki na niya.

Hindi ko napansin na nakatulog siya, napansin ko lang ’yon nang dumulas ang drawing niya mula sa hita niya.

Kinuha ko ‘yon at pinag-masdan. She‘s really good in arts. Nilapag ko ‘yon sa mesa tsaka siya binuhat in bridal style. Nakasalubong din namin si Amare.

A Compassionate A CompassionlessWhere stories live. Discover now