Chapter 22

18 5 0
                                    

First Plan

Eashana‘s Pov

Aaminin ko, nasaktan ako sa sinabi niya. Hindi naman din imposible na hindi ako masaktan dahil mag-kaibigan kami—ako lang pala, kasi ayaw na niya akong maging kaibigan.

Hindi ko aasahan na aabot kami sa ganito, Hindi ko aasahan ang mga sinabi niya. Okay na ‘yong pag-iwas niya sa ‘kin, ‘yong pagpapa-hiya niya sa ‘kin at ‘yong pag-uutos niya sa ‘kin.

Hindi ko napigilan ang pagtulo ng luha ko.

Kilala ko si Darwin pero hindi ko alam na ganito pala siya, akala ko mabait siya. Hindi ko rin maintindihan kung ano ang mga pinag-uusapan nila kanina.

Bakit kailangan akong masama?

Kaya niya ba talaga na mawala ang pagka-kaibigan namin?

Matagal kaming nag-kasama, kilala na rin namin ang pagka-tao ng bawat isa.

Akala ko, hanggang sa pag-tanda namin hindi kami magkaka-layo.

Ang sabi niya, hindi niya hahayaa‘ng may manakit sa ‘kin, Ang sabi niya, hindi niya hahayaa‘ng pag-sasalitaan ako ng gano‘n.

Gusto ko s‘yang kausapin, Gusto kong magka-usap kami ng maayos dahil gusto kong bumalik kami sa dati, Gusto kong bumalik na ang pagka-kaibigan namin.

Pero pa‘no?

Matagal na niya akong iniwasan. Kinalimutan na niya ang lahat. Hindi na siya kagaya no‘n.





Flashback

Sino‘ng nanakit sa ‘yo?” Galit na tanong niya sa ‘kin pero alam kong dahil ‘yon sa pag-aalala.

Hindi ko siya sinagot at tinalikuran pero nahawakan niya ang braso ko para pigilan tsaka ako mahinang hinila at hinarap sa kan‘ya.

I‘m asking you Shan!

Narinig kong may nang-hamon sa ‘yo ng away. Who are they? What they did to you?

Wala. Tipid na sagot ko at nag-iwas ng tingin.

Hinawakan niya ang baba ko at hinarap sa kan‘ya. Tiningnan niya ako na parang sinasabing sabihin ko kung ano ‘yon.

Ano‘ng ginawa nila? Pilit pa niya, may awtoridad din sa tinig niya pero nasa magaan na tinig.

B... bumili ako ng materials para sa project.

Then?

Hindi ko alam na may mga studyante rin sa likod ko. Iba ang school nila. Nasagi ko ang isa sa kanila kaya natapon ‘yong juice na iniinom niya sa uniform niya.

Then?

‘yon,

Ano‘ng ‘yon?’

Hindi nila tinanggap ang sorry ko, gusto nilang mag-away kamipero tumakbo ako.” Dagdag ko pa.

Hindi siya sumagot at mabilis na humakbang pero hinawakan ko ang dulo ng polo niya para pigilan. Napatingin naman siya sa ‘kin dahil do‘n.

Kaya ayaw kong sabihin sa ‘yo kasi, alam ko ang gagawin mo. Tsaka, dumating naman si Amare.

Amare?

A Compassionate A CompassionlessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon