Chapter 117

7 2 0
                                    

What?

Eashana‘s Pov

Nag-iwan ng note si Herron sa k‘warto ko, ang sabi niya si Wendell daw ang susundo sa ‘kin, nauna na raw siya sa school dahil kailangan daw siya ro‘n.

Hinayaan ko na at tiningnan ang sarili sa salamin. Tube black gown siya pero hindi sobrang laki ang palda niya, hanggang dulo siya ng dulo ng panatalon.

At ang hill niya ay two inch lang ang taas, black din siya at parang matatakpan no‘n ang mga daliri at sinasabit ang lock no‘n sa gilid kung saan ang buto ng paa. Square lang ang takong niya.

Plain lang siya na black. Gano‘n din ang gown, silk ang tube pero sa baba para s‘yang kagaya sa screen ng mga bintana.

Kinarly ko ang buhok ko kaya tumaas siya at naging hanggang dibdib at nilugay. Kagaya sa pag-lagay ko ng make-up no‘ng birthday ni Izene.

‘yong parang wala lang. Simple at tama lang sa kulay ng balat ko.

Ngumiti pa ako sa salamin bago lumapit sa study table at kinuha ang cellphone ko tsaka ako lumabas ng k‘warto.

Na kay Herron na rin ang susi, i-la-lock ko na lang ang pinto.

7pm.

Nang mapatingin ako sa oras. Tamang-tamag pag-labas ko, nando‘n na si Wendell—naka-sandal siya sa sasakyan niya.

Nakapa-taas ang kalahati ng buhok niya na katulad nang kay Herron, puti ang suit na suot niya na parang may pagka-yellow, dirty white.

Ngumiti siya kaya nginitian ko rin siya. “Good eve lady.”

Ngumiti lang ako sa kan‘ya. “Ang ganda naman ng kapatid ko.” Ngumiti lang ako.

“Tara na?”

Tumango ako, pinag-buksan niya rin ako ng pinto, inayos din niya ang damit ko bago isara ang pinto at umikot sa driver seat.

“Gusto kitang makasama kaya ako na ang nagsabi kay Herron na sunduin ka.”

Gusto ko rin nama‘ng maranasan ‘yon.

“Alam kong hindi ka pa sanay, pero gusto kong tawagin ko akong Kuya—kung paano mo ako tinawag no‘n.”

Kuya?

“And I will call you Bunso,”

Bunso?

“Gusto kong ikaw naman ang alagaan ko.”

Hindi ko na nakikita pa si Danica, wala na rin akong naririnig sa kanila.

Hindi ko na rin napapansin na nakakasama nila siya,

“S-si Danica, nakakasama mo pa siya?”

“Hindi na, nag-sarili na siya.”

Gano‘n,

“Naiintindihan ko siya, alam kong mali rin na iwasan siya pagkatapos ng nangyari.”

Mas matagal silang nag-kasaam kaya naiintindihan ko.

Napalapit pa rin sila sa kan‘ya.

“Pupunta ba siya ngayon?”

“Oum,”

“Hayaan mo na siya,” sandali niya akong nilingon. “Gusto kong en-joyin mo ang party na ‘to.”

Tumango ako at ngumiti, hindi na rin kami gano‘n na nag-usap hanggang sa makarating kami sa school.

Maraming sasakyan ang nakaparada. May mga Christmas lights din sa labas.

A Compassionate A CompassionlessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon