Chapter 92

8 3 0
                                    

Drawing

Eashana‘s Pov

Pareho kami ni Wendell na napatingin sa gilid namin, gano‘n din ang lahat ng nasa canteen, hanggang sa mai-angat ko ang tingin kay...

Herron.

May tray sa sahig na naging dahilan kung bakit nag-kalat ang mga pagkain, me‘ron din sa paanan niya.

Maingay ang pagkaka-bagsak ng tray. Nasa kan‘ya rin ang tingin nang lahat.

Uhm... bibilhan kita ulit.” Nakangiting saad niya tsaka tumalikod na parang wala lang.

Alam kong hindi totoo ‘yong ngiti na ‘yon.

May janitor na nagligpit sa mga nagkalat na pagkain. Pansin ko rin ang pag-aalala sa mukha nina Troi.

Bakit?

May nangyari ba?

Wala naman akong nakita na may kasama siya, solo niya ‘yong way.

Ilang sandali pa, bumalik na rin siya kasama si Izene. Nakangiti n‘yang nilagay sa harap ko ang tray, pero halata ko na may tinatago s'yang emosyon.

Napansin ko na siniko siya ni Troi na katabi niya sa right side, hindi sila nag-sasalita pero nakita ko ang pag-tango ni Herron.

Ihahatid kita, susunduin din kita.”  Baling niya sa ‘kin.

Pilit ko s‘yang nginitian dahil sa tesnyon na nararamdaman. Tumango rin ako.

May gusto ka pa bang kainin?

Umiling ako. Dessert? Drinks?

Okay na ‘to,” nginitian ko siya at mahinang tinuro ang nasa tray gamit ang kutsara.

Kailangan mo rin‘ kumain ng iba, alam kong paborito mo ang lenggua beef, pero hindi rin maganda sa katawan ang paulit-ulit na kinakain.” Tsaka siya tumayo. Bibilhan kita ng cupcake at orange juice para may vitamins ka.

Tsaka siya tuloy-tuloy na lumakad papunta‘ng counter.
Alam ko ang ibig sabihin niya.

Ilang sandali pa, bumalik na siya. Tatlong piraso ‘yon at isang orange juice na may kiwi na naka-ipit sa bibig ng baso.

Ubusin mo ‘yan.

S-salamat.

Anything for you.” Nakangiting saad niya, ngumiti rin ako sa kan‘ya.

Ramdam kong nakikiramdam sila pero walang nagsalita ni-isa sa ‘min hanggang sa matapos kaming kumain.

Naghiwa-hiwalay kami ng daan at nagpa-alam sa isa‘t-isa. Kaming dalawa na lang ni Herron ang naglalakad, nauna si Exell sa ‘min na dapat kasabay na lang.

Tahimik din kaming naglalakad. Hindi rin kami nag-uusap hanggang sa makatapat kami sa room.

Kung may kailangan ka, sa ‘kin ka lumapit at mag-tanong.” Saad niya tsaka inabot sa ‘kin ang bag na kinuha ko naman.

Ginamit niya ang isang braso at niyakap sa leeg ko, ilang segundo pa s‘yang gano‘n tsaka ko naramdaman ang pag-halik niya sa noo ko.

Pagka-bitaw niya, walang lingon-lingon s‘yang tumalikod at naka-pamulsa habang naglalakad. Napansin ko rin ang ayos niya.

A Compassionate A CompassionlessWhere stories live. Discover now