Chapter 141

12 4 0
                                    

Our Favorite

Eashanas Pov

Hindi ko naman alam na makakatulog ako, nagising lang ako dahil may sumusundot-sundot sa pisngi ko.

Herron.

Ngumiti siya kaya ngumiti rin ako tsaka bumangon at umupo ng maayos.

“Nakahanda na,” ngumiti siya ulit.

Nakita ko naman kasi naka-ayos na sa mesa lahat.

Katulad ‘yon sa noon.

Nakita ko naman si Amare na may nilagay pang tray, napatingin siya sa ‘kin at ngumiti kaya ngumiti rin ako.

“Ano‘ng papanoorin?” Napatingin sila pareho sa ‘kin.

“Horror,” sabay na saad nila nang nakangiti.

“Ano‘ng horror?”

May tinaas na cd si Herron,

Maria, Leonora, Teressa.

“Hindi natin ‘to napanood ng maayos,”

Pero walang magbabawal sa ‘min.

Ngumiti ako at tumango, hindi ko pinakita na apektado pa rin ako.

Ayaw kong isipin niya ulit ‘yon.

Si Amare ang nag-lagay, nakaupo na ulit kami ni Herron—sa sahig, umupo na rin si Amare sa tabi ko pagkatapos. Gitna ako sa kanila.

Siomai, Shanghai, Gulay, Cheese stick, fries, Coke, tubig at sauce na mayonnaise at ketchup.

Nagsimula na ang palabas—kaya lang...

May naramdaman ako sa kanang pisngi ko,

Nakita kong ketchup nang hawakan ko, si Herron ang nasa kanan ko kaya alam kong siya ang gumawa no‘n.

Dahan-dahan ko s‘yang nilingon na kumakain ng shanghai, may ketchup ang dulo no‘n, nasa tv ang tingin niya habang nakangiti pero ang dating parang wala lang.

Napalingon naman ako sa kaliwa ko kung saan katabi ko si Amare, naramdaman ko kasi na may basa rin sa pisngi ko na mayonnaise.

Pareho sila ni Herron, nasa tv ang tingin at nakangiti rin. Kinuha ko ang cup ng mayonnaise tsaka ‘yon mabilis na dinampi sa mga mukha nila. Agad akong tumayo nang akma silang tatayo.

“Gumaganti ka na?” Ngumiti ako kay Amare na parang nakapatikom habang pinipikit-pikit ang mga mata.

“Tss, naisahan mo kami.” Si Herron, parang masungit ang tono niya nang sabihin ‘yon.

Nasa likod na ako ng sofa habang sila nando‘n pa rin na nakatago sa magkabilang gilid.

“Sinimulan ni‘yo na naman,” tumawa lang sila pareho.

“Wala kang matatakbuhan.” Saad ni Herron nang mapansin na nililibot ko ang tingin.

Nakangisi rin siya, gano‘n din si Amare.

Lumingon ako sa likod para lumabas na lang pero hindi pa ako nakakatakbo nang may bumuhat sa ‘kin na si Herron.

“Bitaw!”

“Ayaw ko nga.” Tsaka niya ako binagsak sa sofa, babangon sana ako nang hawakan ni Amare ang mga binti ko habang si Herron naman hawak ang parehong kamay ko.

“Ano‘ng gagawin mo?”

Kahit nakahiga ako, nakita kong kumuha siya ng shanghai at sinawsaw sa ketchup tsaka niya dinikit sa labi ko na parang pilit na pinapakain sa ‘kin.

A Compassionate A CompassionlessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon