Chapter 45

17 4 0
                                    

Hopes

Eashana‘s Pov

Nasa sasakyan ni Herron ang iba, ang mga ide-decorate ko lang para sa horror booth ang mga dinala ko. Hindi niya ako tinulungan kagaya ng sabi niya.

Pero kasama pa rin siya para raw makita niya kung ginagawa ko ba raw ng tama ang mga utos niya.

Ilapag mo ‘yan sa sahig tsaka mo ayusin ang mga upuan. Ang mga matitirang upuan na hindi magagamit, ilabas mo at i-arrange sa labas nitong room.

Agad na saad niya nang makapasok kami. Ginawa ko ang sinabi niya. Nakatingin lang din siya sa ‘kin. Gusto kong magpa-tulong sa kan‘ya pero alam kong hindi naman niya gagawin.

Nang matapos na ako sa pag-aayos ng mga upuan, sinunod ko nang ayusin ang mga props. Marami ‘yon kaya naging maganda kasi siksik sila.

May mga palawit din akong sinabit sa kisami, gumamit ako ng mahabang stick para abutin ‘yon. Medyo nahihirapan din ako dahil ako lang ang mag-isa.

Natapos ko na s‘yang ayusin lahat-lahat tsaka ko kinuha ang mga itim na tela at nilibot ‘yon sa room na parang magiging daan nila o mga takip para hindi makita ang mga props.

Nagmukhang malawak ang room dahil sa mga tela, parang matagal kang makakalabas kasi marami akong ginawang harang, mga daan at ang ayos ng pagkaka-ayos ng mga tela.

Pagkatapos kong gawin ‘yon, sinarado ko ang mga bintana tsaka dinikit ang mga card board na malalaki sa bintana tsaka ko tinakpan ng puting tela at sinunod ang mga telang itim. Magaan pero makapal ang pagkaka-black niya.

Medyo na-eenjoy ko rin ang ginagawa kong ‘to. Hindi rin ako nakaramdam ng pagod.

Hanggang sa natapos ko lahat-lahat at dumilim. Bukas naman ang pinto pero madilim pa rin, dahil siguro mag-si-six na.

Na-eexcite ako na masubukan ‘to. Nang matapos na ako sa lahat-lahat, umikot ako sa mga tela para makita at malaman kung ano ang magiging ayos nila kapag papsok sila rito.

Para silang totoo, nakakatakot kahit hindi pa gumagana ang mga tunog nila. Nilibot ko rin ang tingin para makita kung ayos na ba, baka kasi may mahulog o matumba.

Pero wala naman.

Bumalik na ako sa pinto sa entrance nang mapahinto ako nang may humila sa ‘kin—na alma kong Herron, tsaka niya ako sinandal sa pader na katabi ng switch, kasabay no‘n ang pag-sara niya ng pinto kaya mas lalong dumilim. Halos wala rin akong makita.

Nakasandal ako sa pader pero kasama ro‘n ang isang braso niya dahil niyakap niya sa ‘kin ‘yon.

May kasalanan ka pa. Medyo kumunot ang noo ko dahil sa sinabi niya.

Kasalanan?

Sa t‘wing lumalapit siya sa ‘kin ng ganito, laging paos ang boses niya at ang ginagawa n‘yang pag-pungay ng mata niya—kahit hindi ko nakikita, alam kong gano‘n ang ginagawa niya.

Ngumingisi rin siya na labas sa ilong, tsaka ‘yong paglapit ng mukha niya.

Sumigaw ka kanina.

Tatlong beses. Dagdag pa niya.

Hinawakan ko siya sa balikat para itulak pero hindi siya natinag.

Hindi p‘wede.” Pilit ko pa rin s‘yang tinutulak pero hindi siya nadadala.

Agad kang tumutol, talaga ngang gusto mo na inaasahan mo. Hindi ba pumasok sa isip mo na baka pinag-titripan lang kita?”

A Compassionate A CompassionlessWhere stories live. Discover now