Chapter 97

10 3 0
                                    

Together with them

Herron‘s Pov

Hindi ako umalis, umupo ako sa bench na nasa tabi lang, hindi ko rin inalis ang tingin kay Eashana, mas maganda sana kung kami‘ng dalawa lang ang nandito pero dahil mag-kasama sila—nagkataon pa na sila ang pinag-partner.

Inalis ko ang suot kong coat na hanggang binti dahilan para ma-iwan ang itim kong sando na naka-thuck in sa itim kong pants.

Naging dahilan din ‘yon, para lumabas ang pagiging maskulado ko.

Pansin ko ang iilang mga babae na napapatingin sa ‘kin, pero hindi ko sila pinansin.

Kanina ko pa rin napapansin ang nginitian at bulungan nila—hindi lang sa ‘kin, pati sa siyam na nandito.

Wala rin naman kaming inintindi ni kanino man sa kanila—mas lalo naman ako.

Isa lang naman ang iniintindi ko... Si Eashana.

Hawak ni Exell ang lata ng paint at paint brush naman sa kabila, nakatayo naman si Eashana sa tabi niya at nag-uusap sila—na sila lang ang nagkaka-intindihan.

Hi Eashana,” baling ni Lao sa kan‘ya, napatingin siya sa ‘min at ngumiti tsaka kumaway.

Eashana,” si Wendell.

Nalipat naman ang tingin niya sa Kuya niya na alam kong hindi niya pa siya kayang tawagin sa gano‘n.

Matagal kitang hindi nakasama, gusto kitang dalhin sa bahay—bahay n-natin.

Kanina puro pang-aasar ang lumalabas sa bibig ni Lao, ngayon naman, tahimik na siya at kumakain na ng chicken leg, na-iwan pa sa bibig niya.

Ngayon ko lang napansin na may dala silang mga paper bag na halata naman‘ng mga pagkain ang laman.

Pero naging tahimik ang p‘westo namin, ang iba nilang kasamahan nag-sisimula na.

Nasa kan‘ya lahat ang tingin namin. Alam kong may iniisip na naman siya.

N-natin?

Ngumiti siya sa kan‘ya. “P‘wede ba?” Pinilit n‘yang masabi ng maayos ‘yon kahit halata naman‘ng nahihirapan siya.

Ano ba ‘yan?

Napatingin kami kay Cyrell nang isigaw ‘yon, naka-kuha rin kami ng atensyon ng iba dahil sa ginawa niya.

Itigil ni‘yo nga ‘yan, nasa‘n ang pagkain?

Saad pa niya tsaka kinuha ang mga paper bag na dala ng bawat isa sa kanila at pinag-kas‘ya ang mga ‘yon sa bench na inu-upuan namin ni Troi.

Simulan ni‘yo na ang pag-pipinta para matapos agad atleast pahinga ni‘yo ‘yong natitirang araw.

Hindi gano‘n ka-dali mag pinta.” Sagot ni Exell.

Nilapitan naman siya ni Izene at pinatong ang siko sa balikat niya.

“Ito ba?” Tanong niya sabay agaw sa papel na hawak niya at pinag-masdan.

Hindi ko gusto ang sketch na ‘yon, pero mas hindi ko gusto ang sasabihin ni Izene.

Kung tutuusin, madali lang ‘to lalo na‘t kurso mo, nahihirapan ka lang kasi—

Izene,” tawag ko sa kan‘ya.

Ano?

Ayaw kong marinig ang boses mo.

A Compassionate A CompassionlessWhere stories live. Discover now