Chapter 40

20 5 0
                                    

Kiss

Herron‘s Pov

Mabilis akong nakarating sa parking lot at agad na sumakay sa kotse ko. Iniiwan ko ito rito in case of emergency, kaya madalas ginagamit namin ang van ni Wendell.

Hindi traffic kaya tuloy-tuloy ang byahe. Mabilis rin ang pagpapa-andar ko dahil wala naman akong kaagaw sa daan hanggang sa makarating ako sa lungga nila.

Bakit ka nandito?

Agad na tanong niya nang makita ako.

Where is she?

Tanong ko at binalewala ang sinabi niya. Buti na lang nasa labas siya nitong basura n‘yang tambayan.

Tinaasan niya ako ng kilay. Hindi pa nga siya nawawalan ng hininga kukunin mo na? Tsaka siya tumayo.

“Sinasabi na nga ba, may pag-aalala ka sa kan‘ya.

Tss...

“Hindi ba, wala nang bawian? Minsan lang ako tumupad sa usapan—oh, hindi mo matiis?

They need her. Tamad na sagot ko na parang wala lang. Hindi ako magpapaliwag.

For what?

You don‘t?

Just give her to me.

Give to you?

I know what’s on your mind, idiot.

Tell me first, what do you need to her?

They, not me.

Then tell me, why? I‘m not an idiot para ibigay siya sa ‘yo, just admit it Herron, you‘re worried—

Just fvcking give her to me!

“Naiintindihan ko na,”

Malamang sinali siya ng Darwin na ‘yon sa journalism.

“Pero bago ‘yon, labanan mo muna ako.

Matunog akong napangisi. Hindi ko gagawin.

“Ede hindi mo siya makukuha. Sabihin mo na lang sa school niya na nag-drop siya.

Ibigay mo sa ‘kin si Eashana! Matigas na utos ko.

Ano‘ng klaseng ibigay? Dahil kailangan siya o Para sa ‘yo mismo?"

Ibigay mo na Zein!

Labanan mo muna ako. ‘pag nanalo ka, sige. Pero ‘pag hindi, ede hindi.

Inalis ko ang polo at ID ko at hinagis sa kung saan dahilan para ang sandong puti na lang ang maiwan sa ‘kin. Inalis ko rin ang gloves na suot ko.

Tsaka ko siya hinawakan sa k‘welyo at hinila patayo mula sa pagkaka-upo at walang sabi-sabing sinuntok siya sa panga. Akma niya akong gagantihan nang sipain ko siya sa tiyan dahilan para mapalayo siya.

Nakangisi lang siya sa ‘kin, hindi ko siya hinayaa‘ng makatayo dahil sinalubong ko agad siya ng suntok, pero nasipa niya ako sa tiyan kaya napa-upo ako.

Hindi ko ininda dahil hindi naman masakit.

Galit ko s‘yang tiningnan at dahan-dahang tumayo pero sinuntok niya ako sa pisngi.

A Compassionate A CompassionlessWhere stories live. Discover now