Chapter 9

21 6 0
                                    

Homeroom Guidance

Amare‘s Pov

Talaga bang kinukunsinti ni‘yo ‘yong kaibigan ni‘yo ‘no?”

“Who?”

Hinawakan ko si Lao sa balikat, hindi na dapat siya nag-salita.

“Mas‘yado ka nama‘ng pilosopo?” Nagpa-tuloy pa rin talaga siya.

Si Izene ang kasagutan niya.

Kinukunsinti?” Tsaka siya lumapit sa ‘min. “Nakita mo naman na pina-alis din niya kami ‘di ba?”

“Oh? Talaga? Bakit noon? Binawalan ni‘yo ba siya sa kalokohan niya?”

“Bakit hindi si Herron ang harapin mo?”

“Alam mo—”

“Tama na ‘yan!” Napatingin kami kay Abigail nang gumitna siya.

Ngayon ko lang din napansin na nakikinig na silang lahat. Hindi naman din sigaw ang ginawa ni Abigail, para lang s‘yang naiinis na nag-babawal sa kaibigan.

“Bakit ba bawal ka ng bawal?”

Napatingin naman kami kay Thea. Dahan-dahan ang bawat hakbang niya palapit sa ‘min, bahagya rin n‘yang hinawi ang isang kaklase namin kaya nasa gitna na siya.

“Bakit hindi mo na lang kasi sila hayaan? Sumasali ka rin sa kanila, wala ka namang position—gusto mo lang ba na maka-kuha ng atensyon?”

“Talaga?” Na-meywang siya at lumapit kay Thea,
magka-harap na sila ngayon.

Mahina akong napailing at napayuko.

“Sinabi mo na ‘yan kanina at no‘ng isang araw.”

Inagaw niya ang walis tingting na hawak ni Bryle na nasa tabi niya, hindi rin naman niya inalis ang tingin kay Thea nang gawin ’yon tsaka ‘yon nilahad sa kan‘ya.

“Mag-linis ka, pareho kayo ng kaibigan mo—umaasang may sasalo.” Tsaka niya pinahawak ‘yon kay Thea.

Tunalikod naman siya pagkatapos. “Sige na, mag-linis na tayo.” Saad niya na sinunod naman nila.

“Parehong maldita—pero may iba.” Sandali kong nilingon ang nag-sabi no‘n.

Isa sa mga kaklase namin.

Ang pagiging maldita ni Thea, parang ayaw humawak ng dahon dahil sa kaartihan. Elegante, Desente, Social, Gentle at High Class. Pino kung kumilos maging sa paglalakad, gano‘n din siya sa pag-sasalita. Simple lang naman siya at walang kahit na ano sa katawan at mukha, kaya lang, simple rin s‘yang maldita. Hindi rin niya pinapahalata ang pagiging mapang-lait niya. Dinadaan niya sa ngiti kapag napapahiya siya.

Tama, ang pagiging maldita naman ni Abigail, nasa tama, lumalaban siya ‘pag alam n‘yang kailangan. Simply, Cowboy, Kahit parang maarte siya kung mag-salita, mabait naman kahit masungit—pati mukha niya masungit.”

wag nga kayong maingay, marinig kayo e.

Hindi na nga sila nag-usap pa nang pahintuin sila ng kasama nila at nagpa-tuloy na sa ginagawa.

Totoo ang mga sinabi nila pero ayaw kong sumali sa ganitong usapan.

Gusto ko rin naman ang ginawa n‘yang pag-bawal, dahil kung kami ang gagawa no‘n, hindi matatapos, mau-uwi sa sumbatan.

A Compassionate A CompassionlessWhere stories live. Discover now