Chapter 136

9 2 0
                                    

Nang piliin niya siya

Amare‘s Pov

Hindi ko alam kung tama ba ang gagawin ko. May pag-aalangan at alam kong hindi na ako pero, gusto ko pa rin.

6pm,

Nagpa-handa ako ng mga ilaw at kung ano pa-sa mismong entrance ng school.

May mga studyante rin ang nandito at halatang nag-aabang sa kung ano man ang mangyayari.

I‘m not sure about this!

Ngumiti ako nang matanaw siya papasok, hindi niya kasabay si Herron dahil nauna siya at may inasikaso.

Gusto ko man s‘yang isabay pero may hinanda ako para sa kan‘ya.

Maganda siya sa suot niya.

Hapit sa kan‘ya ang paldang itim na pinaresan niya ng white blouse na hapit din at white rubber shoes na paborito niya.

Pero may allowance pa rin.

Simple lang ang mga ‘yon.

Malapit na siya sa ‘kin nang mahinto siya na may pagtataka, naging dahan-dahan din ang bawat hakbang niya tsaka niya inangat ang tingin sa ‘kin pagkatapos n‘yang masdan ang paligid.

Ngumiti ako sa kan‘ya at hinintay ang pagpasok ng unang linya ng kanta.

Do you remember when, I said I‘d always be there, Ever since we were 10, baby
When we were out on the playground playing pretend
I didn‘t know it back then.

yon naman ako, ‘yon naman ang ginagwa ko, ‘yon tayo Eashana, ang tanga ko lang para hindi ma-realize na ikaw ang gusto ko at hindi na si Ferina.

Akala ko siya, siguro dahil alam ko na na mawawala rin ang nararamdaman mo sa ‘kin kaya tinuon ko sa iba ang atensyon ko—na ikaw pala Shana.

Buti na lang, walang gusto sa ‘kin si Ferina.

Now I realize you were the only one.
It‘s never too late to show it,
Grow old together have feelings we had before
Back when we were so innocent.

Kung p‘wede nga lang, sana noon pa Eashana na alam kong ako pa, kinuha na kita kay Herron.

Hindi pa nga siguro huli, nararamdaman kong ako pa rin.

Maybe?

Napatawa ako sa isipan na 'yon—too obvious,

I pray for all your love
Girl our love is so real
I just wanna reach and touch you, squeeze you, somebody pinch me.

Like before Eashana, alam kong hindi na mauulit pa ‘yon.

This is something like a movie
And I don‘t know how it ends girl,
But I fell in love with my best friend.

Alam kong gusto n‘yang bigkasin ang pangalan ko, dahan-dahan at mahina ang ginawa n‘yang pagtingin sa paligid.

Maraming studyante-kagaya sa kung paano din ito ginawa ni Herron.

Humakbang ako ng isa palapit sa kan‘ya tsaka hinawakan ang kamay niya na kina-bigla niya na hindi naman dapat, dahil ito rin ang gusto niya.

Mapait akong napangiti.

A Compassionate A CompassionlessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon