Chapter 143

16 4 0
                                    

Password

Herron‘s Pov

11: 50

Umalis na ako ng room para puntahan si Eashana. Tama lang na darating ako ng 12.

Wala lang sa ‘kin ang nangyari kanina.

Sinabi rin ni Troi na sa iisang table na lang kami, ayaw ko sana pero maganda na rin na magka-kasama kami.

Ilang beses nang binalakan ni Wendell na makasama si Eashana pero hindi matuloy-tuloy.

Nalaman ko rin na okay na sila,

Ako ang huli n‘yang tinanggap.

Ayos lang, nauna naman ang pag-amin niya. Isa pa, inasahan ko na na ganito ang mangyayari.

Nasa tapat na ako ng room nila na tamang-tamang labasan na nila.

Tumapat ako sa pinto para salubungin siya na kasabay si Kyle at Exell.

Tss...

“Sabay ka na lang sa ‘min.” Hindi pa niya napapansin na nandito ako.

Sabay?

“Hindi na,” ngumiti pa siya, nakalabas na sila ng room pero gumilid sila.

Hindi pa rin nila ako napapansin.

Si Exell, oo,

Ngumiti siya at sumenyas na mauuna na, ngumiti pa siya nang nang-aasar, inis ko lang s‘yang tiningnan na nagpa-kunot pa sa noo ko.

Malakas na ngayon ang loob n‘yang mang-asar.

Umatras ako at sumandal sa pader na nasa likod ko habang naka-cross arm at nakatingin sa kanila.

“Saan ka kakain? Ikaw lang mag-isa.”

Come on Eashana, I‘m here.

“May kasama naman ako, thank you.”

“Sige, sa susunod na lang.”

“Oum,”

Pareho pa silang ngumiti bago tumalikod ‘yong Kyle na tamang-tama napalingon sa ‘kin.

Ngumiti siya na parang wala lang tsaka tumuloy, sinundan ko pa siya ng tingin bago nilapitan si Eashana na nakatingin na rin sa ‘kin.

Ngumiti siya pero tinaasan ko siya ng kilay. “Hindi mo napansin na kanina pa ako nandito.”

Umiling siya habang nakangiti pa rin. “Tss,” tsaka ko siya nilampasan.

Naramdaman ko naman ang paghabol niya, napangisi naman ako.

“Galit ka?” Nasa tabi ko na siya pero dinala ang mukha niya sa ‘kin.

“No,”

“Masama ba na ayain siya?”

Huminto ako kaya huminto rin siya, magka-harap na kami ngayon.

“It is,” Nawala ang ngiti niya at naging normal ang mukha tsaka umiling.

Hindi ko naman gagantihan.

Kahit makita ko pa na magkasama sila o magka-sabay, hindi ko gagawin ‘yon.

Inakbayan ko siya tsaka ginaya para magpatuloy. “Matagal ko nang hindi nakakasama si Kyle.”

“You making me jealous.”

Kusang nararamdaman ng tao ang selos hindi dahil sa maliit na bagay lang.

Inangat niya naman ang tingin sa ‘kin kaya yumuko ako para tingnan din siya.

A Compassionate A CompassionlessWhere stories live. Discover now