Chapter 98

9 3 0
                                    

Amare‘s moves

Amare‘s Pov

Hindi ko gusto ang ginawa ni Herron, gano‘n ba ang daan niya para bumawi?

Gusto ko s‘yang komprontahin pero ayaw kong mag-simula ng gulo.

Wala si Eashana dahil sinama ni Wendell kaya kaming dalawa lang ang nandito.

Bumaba ako ng k‘warto at nagtungo sa kusina, pero napahinto ako sa paghakbang nang makita siya ro‘n.

Umiinom.

“Herron,” alam kong ramdam niya ang pag-baba ko, hindi rin naman siya lumingon.

Hindi ko na lang siya pinansin at nagpa-tuloy sa paglapit sa ref na nasa tabi niya.

Ano‘ng gusto mong kainin?

Tingin mo ba may gana ako?

Sinulyapan ko siya pero binalik ko rin ang tingin sa ref.

“Paniguradong papakainin siya ni Wendell, hindi na lang ako mag-luluto wala rin naman akong gana.

Kumuha na lang ako ng kahon ng gatas at nag-lagay sa baso tsaka siya tinabihan.

Sinabi ko na—

Hindi kita gustong makita o marinig. Leave me here.

Sandali ko pa s‘yang tiningnan tsaka umalis at bumalik sa k‘warto.

Ayaw ko s‘yang kaawaan pero ‘yon ang nararamdaman ko.

Inayos ko ang k‘warto ko at iniba ang p‘westo, pero hindi ko inalis ang mga pictures namin, nadagdagan pa ‘yon. Bawat picture namin may naka-sulat sa baba na oras, petsa at ang edad namin.

Simula no‘ng sanggol kami, hiningi ko ang mga ‘yon kay Mama at Tita Sheena, me‘ron din‘ kami‘ng picture na mag-kasama na mula bata.

Nakatayo ako sa mga ‘yon at minasdan simula sa una. Napapangiti ako habang tinitingnan ang pagkaka-sunod-sunod no‘n.

Ang bilis ng panahon.

Ang huling picture namin ay ‘yong birthday ni Herron. Kasama siya sa picture na ‘to.

(‘ yon na ‘yon Eashana!’)

Naalala kong, walang saysay ang ginawa kong ‘yon. Ayaw ko mang aminin pero nagi-guilty ako kaya ginawa ko ‘yon.

Kahit ako nararamdaman ko na parang wala na, hindi na kami gaya ng dati.

Sobra akong nagsisisi.

Pero ako mismo ang gagawa ng paraan para bumalik kami sa rati, ang pagiging masiyahin namin, ang tawanan namin, ang palagi naming mag-kasama, ang palagi naming magka-sabay, lahat-lahat.

++++++++++

Herron‘s Pov

(‘Hindi kita boyfriend Herron.’)

Paulit-ulit pumapasok sa isip ko ang salitang ‘yon. Alam kong hindi—pero masakit. Sa t‘wing naiisip ko ‘yon, nanghihina ako.

Parang ang dating ayaw niya sa ‘kin, hindi ako ang gusto niya na maging boyfriend niya.

Pero hinayaan niya ako.

A Compassionate A CompassionlessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon