Chapter 123

11 2 0
                                    

Masakit na katotohanan

Amare’s Pov

Alam kong tanga ako para saktan siya,

Pero, hindi katulad ng nararamdaman ko ang nararamdaman niya.

Nasaktan din naman ako dahil sa ginawa ko—kung paano makita ang ngiti niya no’ng pumasok siya.

Kung paano ang kilos niya na may saya at may inaasahan.

Wala akong nagawang tama.

Si Herron ang mas nagpa-halaga sa kan’ya.

Kung hindi siya dumating, walang aalalay sa kan’ya—dahil alam ko sa sarili ko na hindi ko siya kayang alagaan.

Walang k’wenta ang paghingi ko ng tawad.

Nasaktan ko si Eashana,

Wala sa sarili akong nagpalakad-lakad nang mapahinto dahil may humarang sa ’kin.

Matagal na na hindi siya nakita, alam kong dito rin siya nag-aaral pero ngayon ko lang siya nakita.

“May sasabihin ka?”

Ngumiti siya at humakbang palapit sa ’kin.

“Sa tingin ko, alam mo ang dahilan.”

“I like you,” sinabi niya ‘yon pagkatapos ng ilang segundong katahimikan.

Wala rin‘ gaanong tao, pero may mga ingay dahil sa iba‘t-ibang dahilan.

“Kaya nga nagawa ko ang mga ‘yon na kahit si Eashana dinamay ko dahil sa selos.”

Dalawang hakbang na lang ang pagitan namin.

“Pinag-isipan ko rin ‘to dahil alam kong hindi madali. Pero pinilit kong harapin ka, matagal na kitang nakikita rito, pero hindi ko nagawa na lapitan ka.”

Kinakabahan s’yang ngumiti. “Alam kong alam mo, dahil pinapakita ko naman.”

Yumakap siya sa ‘kin na kinagulat ko dahil hindi ko aasahan ‘yon.

“Thea,”

Ramdam ko ang pag-iling niya. “I like you Amare,”

Hinawakan ko ang kamay niya sa beywang ko at dahan-dahang inalis ‘yon.

“Thank you, but I‘m sorry.”

Lalagpasan ko na sana siya nang tawagin niya ako. “Si Eashana?”

“She‘s my best friend since then,” tsaka ko siya hinarap, tumulo ang luha niya at pinunasan ‘yon na parang nag-punas nang babasagin. “Alam mo kung gaano kami dikit sa isa‘t-isa pero wala akong naramdaman sa kan‘ya, sa ‘yo pa kaya na hindi ka napalapit?”

“I‘m sorry,” tsaka ko siya tuluyang tinalikuran.

Kahit na nangyari ang ganito, hindi naman p‘wede na hayaan ko na lang.

Kailangan pa rin niya ako—kami pa rin ‘yon, hindi pa rin mawawala kung ano kami.

Pero alam kong magiging komplikado,

Tanggap na niya ako pero parang mawawala rin.

Hindi na ba talaga magiging ayos? Wala na ba talaga ang dating kami?

++++++++++

Trois Pov

Pumasok ako dahil nandito sila pero hindi ibig sabihin no‘n sasali ako sa ginagawa nila.

Pinapakiramdaman ko lang sila,

A Compassionate A CompassionlessWhere stories live. Discover now