Chapter 28

19 5 0
                                    

Amare

Herron‘s Pov

Galit na tingin ang sumalubong sa ‘kin—tingin ni Exell. Pero hindi ko siya inintindi. Dire-diretso lang ang lakad ko hanggang sa maka-upo.

Tahimik din ang buong klase. Iniinda ko rin ang mga sugat na nakuha ko sa kan‘ya. Hindi ako lumaban dahil wala naman akong paki-alam.

Mas lalong tumahimik ang buong klase. Dahan-dahan akong nag-angat ng tingin sa tinitingnan nila...

... It‘s her,

Talaga ngang pumasok ka pa. Hindi ka ba nahiya?

Hindi man sila mag-react pero sumiksik sila sa mga upuan nila habang yakap ang bag. Mukhang nakaramdam na sila ng takot sa kan‘ya.

Pero me‘ron pa rin‘ may gusto sa kan‘ya—sina Hanz.

Matibay!

Nilibot niya ang tingin niya hanggang sa mapunta ang tingin niya sa ‘kin. Hahakbang na sana siya nang tumayo si Exell at walang sabi-sabing nilapitan si Stupid kaya napahinto siya sa paghakbang.

Siguro nga gano‘n ang nangyari, pero hindi ni‘yo alam ang pinag-mulan. Anunsyo niya sa lahat.

Gumawa siya ng sariling meeting. Kung ano-ano rin‘ klase ang pag-tatanggol na ginawa niya. Marami ngang studyante, pero wala naman‘ng sumunod sa kan‘ya.

But he made a rule.

‘ ‘wag sasaktan at pagsasalitaan si Stupid ng hindi magaganda.’

Sinunod naman nila, pero hindi lahat. Nalaman ko na mas nadagdagan ang lagnat niya no‘ng araw na ‘yon na umabot ng tatlong araw kaya ngayon lang siya nakapasok.

Kaya nagkaroon siya ng panibagong absent.

Akala ng lahat, umalis na siya dahil nahihiya. Pero nakarinig ako ng ingay kanina na nand‘yan pa pala siya.

Alalay na alalay rin siya ni Exell. Panay naman ang iyak niya no‘ng magka-malay siya. Hindi rin niya ako sinusunod sa mga lumipas na araw.

Hinayaan ko na lang din dahil gaya ng sabi ko, may isang purs‘yente akong awa.

Pero wala s‘yang karapatan na magalit—kaya pala hindi nag-paramdam ang Zein.

‘yon pala ang naging deal!

Great!

Naisahan ako.

Pati si Danica, nawala sa ‘kin.

Magka-kaklase tayo, kaya dapat tayo-tayo rin ang nagtutulungan.

Sa tingin mo ba may gusto pang lumapit sa kan‘ya pagkatapos no‘n?” Si Thea.

Siya ang nanguna.

Nanguna sa pag-tingin na may pangungutya. Hindi man siya nagsasalita pero sa kilos niya pinapakita.

Nakakahiya. Nakuha pa n‘yang pumasok.

Thea!

Mahinahon pero ma-awtoridad na tawag sa kan‘ya ni Exell. Tumahimik naman siya at ngumiti.

Ngiting pa-suko na parang natural lang,

Binaling ko ang tingin kay Stupid na tahimik lang at parang gusto nang magtago.

Magkatabi pa rin sila ni Exell,

Alam kong gusto n‘yang magsalita, pero alam n‘yang walang makikinig sa kan‘ya.

A Compassionate A CompassionlessWhere stories live. Discover now