Chapter 104

13 3 0
                                    

Why?

Eashana‘s Pov

Maaga akong gumising, pagkatapos kong mag-asikaso, lumabas na ako ng k‘warto, nakita ko naman si Herron na naka-upo sa labas nito.

“Good morning.” Tumayo siya tsaka ako nilapitan.

“Nakapagluto na ako ng almusal.”

“Uhm... good morning din.” Ngumiti lang siya tsaka niya ako inakay pa-upo sa tabi niya.

“Nasa‘n sila?”

“Tulog pa, pero sina Izene, nasa pool.”

Huh?

Hindi ba sila lalamigan? Maaga pa mas‘yado.

Ngumiti ako at umupo sa tabi niya. Nakapatong ang parehong kamay ko sa tuhod, bahagya rin akong nakayuko.

Ramdam ko naman na may inaayos siya sa table, ramdam ko rin na tinapat niya ‘yon sa harap ko.

“You okay?”

Sandali akong lumingon sa kan‘ya at ngumiti tsaka umiling.

Hanggang ngayon, nahihiya pa rin ako—kung paano nila pag-gastusan.

Siguro, hangga‘t hindi pa gano‘n na okay kami, iiwasan ko muna siya—sila.

Sa tingin ko kasi, hindi tama na tumanggap sa kanila ng kung ano kung ganito ang sitwasyon namin. Hindi maganda‘ng tingnan, kahit na ginagawa nila na sa ‘kin ‘to no‘n.

Iba kasi ngayon at may dahilan.

Ang kapal ko naman para tumanggap nang kung ano sa kanila, okay na ‘yong nakaka-usap sila kahit papa‘no.

Alam kong maraming beses ko nang sinabi ‘yon.

“Hey, what‘s wrong? Why are you crying?”

Hindi ko alam na nasa harap ko siya, naka-upo siya sa mataas na upuan kaya nag-pantay kami. Napa-angat na rin ako ng tingin sa kan‘ya.

Umiiyak?

Hahawakan ko na sana ang pisngi ko para malaman, pero siya na ang gumawa.

“Herron,”

“Hm?”

Okay ba na gawin ko?

Alam ko naman na bumabawi siya, kung hindi ko siya papansinin parang wala rin ang pag-bawi na ginagawa niya.

Bahagya kong nakagat ang pang-ibabang labi ko. Umiling ako at ngumiti.

Hindi ko rin kasi kaya na iwasan siya—sila. Hindi ko rin alam ang gagawin, nahihirapan kasi ako kung ano ang gagawin.

“Uhm, salamat.”

Ngumiti siya at ginulo ang buhok ko. “Eashana, kung ano man ang nararamdaman mo o iniisip mo, hindi gano‘n ‘yon okay?”

Diretso niya akong tiningnan pero magaan.

“Ginagawa ko ‘to dahil ito ang alam kong tama. Hindi mo rin kailangan‘ magpa-salamat. Sapat na ‘yong pakikipag-usap mo sa ‘kin, sapat na ‘yong paglapit mo sa ‘kin. Isa pa, lagi kang welcome.”

“Kahit ano, ibibigay ko, kahit ano‘ng sabihin mo, gagawin ko. P‘wedeng-p‘wede kang magsabi Shan.”

Napatikom lang ako at maamong nakatingin sa kan‘ya, hindi ko mangitian ang mga sinabi niya, hindi ko rin matanguan.

A Compassionate A CompassionlessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon