Chapter 71

15 4 0
                                    

Present

The truth

Herron‘s Pov

Ginawa ko ‘yon para kay Eashana, pero lahat nang ‘yon, na-uwi sa wala.

Pinahirapan lang ako.

Pero alam kong nararapat lang ‘yon sa ‘kin.

Ginawa kong masama ang sarili ko! Ginawa kong Gago ang sarili ko! Ginawa kong masama ang sarili ko sa lahat!

Hindi ko rin namalayan na naglalakad na ako sa sidewalk sa park (nepo quad)

Hindi ko ramdam ang pagod, hindi ko ramdam ang gutom at uhaw.

Sa pag-iisip nang mga ‘yon, hindi naging alintana sa ‘kin ang layo ng nilakad ko.

Hindi ko alam kung ilang kilometro. Pero napahinto ako sa paglalakad nang makasalubong siya.

“Bakit ka nandito?”

Pagod ako at walang gana, ayaw ko man s‘yang kausapin pero alam kong hindi siya aalis dahil matigas siya.

Kahit pagod ako, kung si Eashana ang kaharap ko, mawawala ‘yon at gaganahan ako.

Inunahan ko na rin siya sa pag-sasalita dahil gusto kong ipakita sa kan‘ya na wala akong paki-alam at sa paraan na mapapahiya siya kahit na kaming dalawa lang ang nandito.

“S-sinundan ko kayo.”

“Then?”

Alam ko nama‘ng sumunod siya.

“Alam kong sinabi na sa ‘kin ni Ku—Wen—K-kuya ang t-tungkol do‘n, p-pero ang marinig lahat na hindi ako ang kaharap, m-masakit din,”

“Paano? Paanong nagawa ni‘yong itago ‘yon? Bakit pinatagal ni‘yo? Kapatid ko si Zein?

“Tapos ka na?”

“Herron,”

“Pagod ako at hindi ko gustong magsalita—lalo na kung ikaw ang kaharap ko. Alam mo na ang lahat, bakit sinasabi mo pa?”

“Lahat kayo, kay Eashana pumunta, sige, kaibigan ni‘yo siya at mahalaga siya sa inyo, pero nakasama ni‘yo rin ako, napag-isahan ni‘yo rin ako.

“Ikaw lang naman ang may gusto na sumama sa ‘min.”

Tumutulo na rin ang luha niya pero wala akong makita o maramdaman na kahit na ano.

“Na kay Eashana kaming lahat, dahil siya ang mas na nahihirapan—ayaw ko rin‘ binabanggit mo ang pangalan niya na parang may kasalanan siya.”

The fact is, ikaw ang isa dahilan ng paghihirap niya.

“Pero kailangan ko rin ng makakasama.”

“Hindi ako ang kailangan mo.”

“Ikaw ang gusto ko Herron.”

“Si Eashana ang gusto ko.”

“Bakit? Bakit siya? Bakit hindi na lang ako?”

Bumuntong hininga ako at pinipilit na pakalmahin ang sarili.

“Hindi pa kita nakikita siya na ang gusto ko, wala ka pa gusto ko na siya, bata pa kami gusto ko na siya. Ngayon lang kita nakilala.

“Paano kung nasasabi mo lang ‘yan dahil—”

“Alam ko ang sarili ko.”

“Bakit gan‘yan mo ako tratuhin? Paano kung ako ang nakilala mo? Paano kung ako ang nakasama mo? Paano kung ako ang nasa sitwasyon ni Eashana? Paano kung ako ang batang nakilala mo? Paano kung pumayag si K-kuya na sumama kami—”

A Compassionate A CompassionlessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon