Chapter 4

31 6 11
                                    

The Beginning

Herron‘s Pov

Huminto si Amare sa pa-lakad-lakad na ginagawa niya sa harap nang maramdaman kami.

You‘re here...” Ilang segundo bago niya binitawan ang salitang ‘yon.

Mahinahon at parang wala lang ang nasa tinig niya pero alam kong hindi gano‘n ang pinaparating ng tono niya.

Plain pero may inis.

Lumakad siya palapit sa ‘min habang naka-pamulsa. Mahahalata ang inis sa mukha niya pero nginitian ko lang siya na lalong magpapa-inis sa kan‘ya hanggang sa makalapit siya sa‘min pero huminto siya sa mismong harap ko.

Kanina pa nag-hihintay si Ms. Anne, pero hindi siya nagalit dahil nga sanay na siya sa ‘yo, pero ang idamay si Eashana?”

“Oh, siya pa rin pala ang adviser natin?” Walang paki-alam at mabilis na saad ko na may pamamangha sa tinig na parang relax lang...

... pero, ano raw? Ang idamay si Eashana?

Tss...

Para naman‘ng bago sa kan‘ya,

Bumaba ang mata ko sa kamay niya na humawak sa kamay ni Eashana na nasa tabi ko tsaka niya siya maingat na hinila at tinabi sa kan’ya.

Hindi rin naman nag-react si Eashana, inangat ko rin agad ang tingin kay Amare na nakatingin pa rin sa ‘kin.

“Nag-iwan siya ng gagawin,” seryosong tingin ang pinakita niya na sinabayan ko naman pero umangat ang gilid ng labi niya na parang may magandang nabalitaan.

“Gusto ng Adviser natin na baguhin ang class officer‘s—”

“Hindi ako papayag—”

“Pang-anim na taon na nati‘ng magka-kasama kaya halos kilala na natin ang bawat isa, mas maganda nang ngayon mismo natin ‘yon gagawin—”

“Walang mag-babago sa class officer‘s—”

“May tatlong araw tayo para gawin ang pagde-dekorasyon ng room. Gaya no‘ng mga nakaraang taon na nakasanayan na nating mga studyante.”

Alam kong ganito ang mangyayari kaya gano‘n kadali sa ‘kin ang putulin ang mga sinasabi niya na pumuputol din sa mga sinabi ko na balewala lang sa ‘min.

Yes, dahil alam namin ang kilos at iniisip ng isa—iisa lang ang dugo namin—na hindi ko gusto.

“Pero bago ‘yon, gusto kong sabihin mo kung saan mo dinala si Eashana at na-late siya.”

Base sa pagkaka-salita niya, ginawa nga niya ang sinasabi n‘yang siya ang bahala.

Tss...

Saan?

Paulit-ulit na tanong.

Napunta ang tingin ko kay Danica at nilapitan siya. Dumaan ako sa gitna nila na parang wala lang kaya napahiwalay sila sa pagkaka-tabi, parang hindi pero sinad‘ya kong banggain ang balikat ni Amare.

Ngumiti siya nang tuluyan na akong nakalapit sa kan‘ya na alam kong pilit lang.

May iba na parang walang nakikita, may iba na nag-aabang sa kung ano man ang mangyayari.

Kinaka-usap kita Herron! Dinamay mo si Eashana sa kalokohan mo!

Kasabay no‘n ang pag-pihit niya pa-harap sa kinakatayuan ko—kung saan si Danica.

A Compassionate A CompassionlessWhere stories live. Discover now