Day 2 of 4

36.2K 1.1K 256
                                    

A/N: Naisip kong ito dapat ang day 1 kasi kung counted ang Tuesday tapos Saturday pa uuwi si Meredith, 5 days 'yun. Pero since nakalagay na ngang day 2 ito, please expect an extra "day" for Saturday o ang araw ng uwi ni Meredith. Basta Tuesday siya umalis at Saturday siya babalik. Day 2 is Wednesday. Sorry na po kasi pati ako na-confuse. Thank you for reading!



MAAGA akong nagising kinabukasan. Tumawag ako kaagad kay Meredith, via FaceTime dahil naka-prepaid akong SIM di ba? Dahil hindi ako sanay magpa-load, malamang limang piso na lang ang laman niyon.

Note to self: Have your post-paid line reactivated.

Sabay kaming nag-almusal nina Mere at Tita Vera. Nagpa-room service sila ng breakfast habang sa kusina naman ako kumain ng corn flakes ni Kuya Lex.

Note to self #2: Next time mag-grocery ka, bilhan mo naman ng kapalit ang nilalamon mo sa bahay ni Kuya Lex.

Pinutol lang namin ang tawag nang maliligo na kami. Baka raw ma-record ang kagandahang lalaki ko habang nagsha-shower eh. Kung ako lang, wala naman akong itatago. Kung kumalat online ang video ng puwet ko, wala naman akong ikakahiya.

Nagkasundo kami na mag-cha-chat na lang ulit pagdating namin sa office bago kami nagpaalam sa isa't isa.

Maaga akong nakarating sa opisina kahit pa tinatamad akong pumasok kasi wala naman si Meredith d'un. Iyon lang, di naman pwedeng when the cat is away, the mouse will play. Hindi naman ako mouse.

Teka, parang gusto ko ng cheese...

Napangisi na naman ako nang pumasok ako sa office at nakita ko 'yung panibagong vase ng mga bulaklak. Hindi ko na alam kung anong klase silang mga bulaklak, basta iba-iba. Iba-ibang mga kulay, mga sizes. May yellow, red, violet, pink at white at nakalagay ulit sila sa isang babasaging clear na vase.

Kinuha ko ulit 'yung envelope na may pangalan ko at may card ulit 'yun sa loob na may note.

To my Happiness,

I love you.

Meredith.

Napangiti na naman ako. Wala na. Pakakasalan ko na talaga 'to.

Kinuha ko ulit 'yung vase at dinala sa office ni Meredith para ilagay iyon sa tabi ng monitor. Nasa bahay na kasi 'yung isang vase, inuwi ko kagabi. Ayaw ko ngang patayan ng aircon at baka malanta kaagad pero sayang naman sa kuryente. Sana buhay pa sila mamaya pag-uwi ko.

Inayos ko 'yung vase sa mesa ni Meredith bago in-on 'yung computer. Di ko natiis. Pinanood ko ulit 'yung video na iniwan niya para sa 'kin kahapon.

Nag-online ako sa chat pero offline pa rin si Mere. Mayamaya, nag-message siya sa 'kin na may group activity lang sila kaya mamaya na siya makikipag-chat.

Nag-reply ako na okay lang. Magtatrabaho lang ako and yeah, mag-iwan lang siya ng message kung pwede na kaming mag-usap.

Nag-online naman siya sa chat pero matagal siya bago mag-reply. Okay lang sa 'kin. Alam ko namang busy talaga siya.

Buong umaga kong pinag-aralan ang mga files, reports at proposals na ipinadala kay Meredith ng iba't ibang mga departments para sa mga projects na gagawin o binabalak na gawin sa ibang bansa, mga e-mails na galing sa mga clients at kung anu-ano pa. Nakipag-usap din ako sa kung sinu-sino at nag-schedule ng kung anu-ano para kay Meredith next week.

Sikmura ko ang nagsabi sa 'kin na lunch na. Tama naman siya kasi 11:58 na ng umaga nang tingnan ko ang oras sa computer ko.

Nag-message ako kay Meredith.

Falling for the Billionairess (Published by Bookware)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon