100 Tales Of Horror

By Kuya_Soju

475K 29.5K 6.3K

100 short horror stories. Best time to read? Bedtime... More

TEASER
STORY #01: Glory Hole
STORY #02: Lost In The Woods
STORY #03: Whisper
STORY #04: Will Kill For Food
STORY #05: There Is Someone In Our House
STORY #06: Meet Up Nightmare
STORY #07: Visit
STORY #08: Invitation
AUTHOR'S NOTE
STORY #09: Letter
STORY #10: Talking Doll
STORY #11: Check Up
STORY #12: Chop, Chop, Chop
STORY #13: Not Home
STORY #14: Momo App
AUTHOR'S NOTE
STORY #15: Last Dance
STORY #16: Save The Turtles!
STORY #17: Monsters Are Not Real
STORY #18: Eyes Wide Open
STORY #19: Black Ribbons
STORY #20: Who's Dead?
STORY #21: Over My Dead Body
STORY #22: Video Call
STORY #23: Wrong Car
STORY #24: La Vendetta
STORY #25: Lockdown Diary
STORY #26: Unplugged
STORY #27: The Show Must Go On
STORY #28: Twin Sister
STORY #29: Take Home
STORY #30: Doll Eyes
STORY #31: Never Leave
STORY #32: Blink, Blink, Blink
STORY #33: 3:33
STORY #34: Copy, Copy, Copy
STORY #35: Bloody Mary
STORY #36: Let Me In
STORY #37: Piggyback
STORY #38: Meat Eater
STORY #39: Bangs
STORY #40: Twin Sister 2
STORY #41: Take Care Of My Baby
STORY #42: The Adopted
STORY #43: Messing With The Wrong House
STORY #44: Cuddle Weather
STORY #45: Suicide Note
STORY #46: Food For The Dead
STORY #47: Victim
STORY #48: Unfound
STORY #49: Knock, Knock, Knock
STORY #50: Caregiver
STORY #51: What's On Your Mind?
STORY #52: Back Home
STORY #53: Hit And Run
STORY #54: Smudge
STORY #55: Mirror On The Wall
STORY #56: 13th Floor
STORY #57: Shower At Night
STORY #58: Talk To Stranger
STORY #59: Yes/No
STORY #60: Fangirl
STORY #61: Home Buddy
STORY #62: Intruder/s
STORY #63: Monster Beside You
STORY #64: The Better Half
STORY #65: The Ring
STORY #66: Knock, Knock, Knock 2
STORY #67: Till Death
STORY #68: When He Saw My Face
STORY #69: Bored In The House
STORY #70: Worms
STORY #71: The One In The Middle
STORY #72: Ben, Ted, Fred
STORY #73: Nightmare/ Dream
STORY #74: Creepy Woman
STORY #75: You're Not That Scary
STORY #76: Couple's Trouble
STORY #77: Pop, Pop, Pop
STORY #78: Jealousy Kills
STORY #79: Full Moon Killer
STORY #80: Pet
STORY #81: Lover's Quarrel
STORY #82: Crashed
STORY #83: Friendly Neighborhood
STORY #84: Lady In The Painting
STORY #85: Hotel de Moon
STORY #86: Mama's Love
STORY #87: All Eyes On Me
STORY #88: Secret Admirer
STORY #89: Birthday Wish
STORY #90: Finders Keepers
STORY #92: New Housemate
STORY #93: Leave The Door Open
STORY #94: A Friend In Need
STORY #95: I Don't Feel Safe
STORY #96: Last House On That Street
STORY #97: Get The Party Started
STORY #98: How To Cheat Death?
STORY #99: Thy Womb
LAST AUTHOR'S NOTE
STORY #100: 100th Story

STORY #91: Cam On Me

2.6K 190 10
By Kuya_Soju


DEDICATED TO: Bae_Hee_Chan19 (Je-anne)









MAULAN ng umagang iyon ng Sabado. Nasa salas si Je-anne at nakaupo sa sofa. Bukas ang telebisyon ngunit sa hawak na cellphone ang kaniyang atensiyon. Mag-isa lang siyang naninirahan sa bahay na iyon na may dalawang palapag. Nang mag-umpisa siyang magtrabaho ay nag-ipon na siya ng pera para sa sarili niyang bahay at ngayon ay nakabili na siya.

Bahagyang nagulat si Je-anne nang may kumatok sa pinto. Wala siyang inaasahang bisita o order sa Lazada kaya nagtataka siya kung sino iyon. Pero binuksan niya pa rin. Isang lalaki na naka-coat and tie ang napagbuksan niya. May dala itong box na may katamtamang laki.

“Good morning, ma’am! Agent po ako ng Cam On Me. Nais ko pong ipakilala sa inyo ang aming product na CCTV camera. Ako nga po pala si Agent Dave. Kayo po, ma’am?” Masigla ang pagsasalita ni Dave na akala mo ay host ng isang children show sa umaga.

“Sorry, hindi ako interesado—”

“Ma’am, libre lang po ito! Wala kayong dapat bayaran. Ang gusto lang po namin ay ipakilala sa inyo si Cam On Me at pagkatapos ay magbibigay kayo ng feedback sa aming Facebook page!”

“Wait. What? Libre?” Baka kasi nagkamali siya ng pagkakadinig.

“Opo. For free po si Cam On Me. Ako na rin po ang mag-i-install. Maganda po si Cam On Me dahil pwede mong i-monitor ang bahay mo using our app!”

Mabilis na pumayag si Je-anne na i-install ni Dave ang CCTV camera nito sa loob ng bahay niya. Bukod sa libre ay matagal na rin niyang gustong lagyan ng CCTV ang bahay niya dahil nauuso ang nakawan sa kanilang village.

Sa salas niya inilagay ang CCTV camera. Dahil libre ay isa lang ang ibinigay sa kaniya ni Dave. Ipinasa rin nito sa cellphone niya ang Cam On Me app para doon niya makikita ang kuha ng CCTV camera kahit nasa malayo basta merong internet connection.

Hindi na rin nagtagal si Dave at umalis na ito pagkatapos.

Chi-neck ni Je-anne sa cellphone niya ang Cam On Me app at nakikita niya doon ang kabuuan ng kaniyang salas at ang hagdan na paakyat sa second floor.

-----ooo-----

UMUWING lasing si Je-anne ng madaling araw mula sa birthday party ng isa niyang kaibigan. Pagpasok niya ng kaniyang bahay ay dumiretso siya sa kwarto niya sa itaas at humiga sa kama. Ang gusto lang niyang gawin ay ang matulog dahil sa kalasingan.

Wala pang isang minuto siyang nakapikit nang may marinig siyang ingay sa ibaba. Para bang may kung anong nalaglag na gamit sa sahig.

Inabot niya ang cellphone sa nakapatong sa side table at in-open ang Cam On Me app. Malaking tulong din ang pag-install ng CCTV camera sa salas niya dahil kahit nandito siya sa itaas at may ganoong ingay ay nakikita niya agad kung ano.

Pagbukas niya ng app ay tila nawala ang kalasingan niya nang may makita siyang babae na nakasuot ng itim na bestida sa kuha ng CCTV camera. Nakatayo iyon malapit sa sofa. Ang mahaba nitong buhok ay nakatakip sa mukha nito.

“Who the fuck is that?” Mahinang tanong ni Je-anne.

Dala ang cellphone at isang baseball bat ay tahimik siyang bumaba sa hagdan. Pagdating niya sa salas ay wala siyang nakitang babae na nakatayo malapit sa sofa. Ngunit kapag tinitingnan niya sa app ng Cam On Me ay may nakikita siya!

May sira ba ang CCTV camera o ang app?

Pilit niyang nilalabanan ang takot. Palipat-lipat ang tingin niya sa may sofa at sa cellphone niya at ganoon pa rin ang kaniyang nakikita. Walang babae sa aktuwal na lugar pero sa cellphone ay meron.

Ano ba ito? Ano bang nangyayari? Epekto ba ito ng alak? Pero sigurado siya sa kaniyang nakikita sa Cam On Me app. May babaeng nakatayo malapit sa sofa sa salas niya!

Nilakasan ni Je-anne ang kaniyang loob. Pumunta siya sa spot kung saan nakatayo ang babae. Nakatingin siya sa Cam On Me app dahil doon lamang niya nakikita ang nakakatakot na babae. Sa video na nakikita niya sa app ay kaharap niya ang babae. Magkatapat ang kanilang mga mukha.

Kinikilabutan na siya. Nakakapagtaka na sa app lang niya nakikita ang babae at hindi sa realidad!

Akmang aalis na si Je-anne sa salas para humingi ng tulong nang maramdaman niya na parang may sumasakal sa kaniyang leeg. Medyo nahihirapan siyang huminga. Sa muling pagtingin niya sa Cam On Me app ay nagulantang siya nang makitang sinasakal siya ng babae. Malakas siyang itinulak ng babae at pahiga siyang natumba sa sahig. Kasunod niyon ay dumilim ang kaniyang paligid at sa hindi malamang dahilan ay nawalan siya ng ulirat…

-----ooo-----

MARAHANG ibinukas ni Je-anne ang mga mata. Nasa salas siya at nakahiga. Nakita niya ang cellphone malapit sa kaniya. Kinuha niya iyon. Napahawak siya sa likod ng kaniyang ulo dahil sa kaunting kirot na nararamdaman niya doon.

Pagtingin niya sa kaniyang unahan ay napasigaw siya sa takot nang makita ang babaeng sumakal sa kaniya kanina! Ngayon ay personal na niya itong nakikita. Ngunit ang nakakapagtaka ay nang tingnan niya ang Cam On Me app ay hindi na niya ito nakikita doon.

Tatakbo sana siya palabas ng bahay niya nang bumukas ang pinto at pumasok ang kapatid niyang babae.

“Ate! Tulungan mo ako! Parang awa mo na!” Nabitawan niya ang cellphone nang tumakbo siya papasalubong dito.

Yayakapin niya sana ang kaniyang kapatid ngunit tumagos siya dito na para bang isa siyang hangin. Nahihintakutang tiningnan niya ang kaniyang mga kamay. Doon niya napansin na naging transparent ang buong katawan niya na akala mo ay isa siyang multo!

“Je-anne? Nasaan ka?” tawag ng kapatid niya. Kung ganoon ay hindi siya nito nakikita?

“Ate! Nandito ako!” Umiiyak niyang sigaw ngunit hindi siya nito naririnig. Tiningnan niya ang babaeng nakasuot ng itim. “Anong ginawa mo sa akin?! Ibalik mo ako sa dati! Hayop ka!”

Hindi ito nagsalita. Bagkus ay hinawi nito ang buhok na nakatakip sa mukha nito at doon niya nakita na wala itong mata at ilong. Tanging bibig lang ang meron ito. Ngumiti ito ng malaki na nagdulot ng walang hanggang takot sa kaniya.

“Sa wakas… may kasama na ako…” sabi ng babae sa malalim na boses.






THE END

Continue Reading

You'll Also Like

592K 25.1K 40
Isang notorious na haunted house. Isang kaso ng demonic possession. Ang grupo ng paranormal experts na sina Father Markus na exorcist, Hannah na ps...
62.1K 2.4K 10
"Paano kung hindi na siya ang dating nanay na iyong kilala?" Kinailangang bumalik ng magkakapatid na sina Rachel, Dylan, Rebecca at Jon sa luma nilan...
134K 4.9K 21
Isang tago, payak at tahimik na baryo ang Baryo Sapian. Hanggang ang katahimikan nila ay nabulabog. Isang sakit ang kakalat sa maliit na bayan na iyo...
9.9M 190K 32
"It was just one night... One night that ruined the years we shared. One night that ruined the forever we're about to build."