100 Tales Of Horror

Par Kuya_Soju

475K 29.5K 6.3K

100 short horror stories. Best time to read? Bedtime... Plus

TEASER
STORY #01: Glory Hole
STORY #02: Lost In The Woods
STORY #03: Whisper
STORY #04: Will Kill For Food
STORY #05: There Is Someone In Our House
STORY #06: Meet Up Nightmare
STORY #07: Visit
STORY #08: Invitation
AUTHOR'S NOTE
STORY #09: Letter
STORY #10: Talking Doll
STORY #11: Check Up
STORY #12: Chop, Chop, Chop
STORY #13: Not Home
STORY #14: Momo App
AUTHOR'S NOTE
STORY #15: Last Dance
STORY #16: Save The Turtles!
STORY #17: Monsters Are Not Real
STORY #18: Eyes Wide Open
STORY #19: Black Ribbons
STORY #20: Who's Dead?
STORY #21: Over My Dead Body
STORY #22: Video Call
STORY #23: Wrong Car
STORY #24: La Vendetta
STORY #25: Lockdown Diary
STORY #26: Unplugged
STORY #27: The Show Must Go On
STORY #28: Twin Sister
STORY #29: Take Home
STORY #30: Doll Eyes
STORY #31: Never Leave
STORY #32: Blink, Blink, Blink
STORY #33: 3:33
STORY #34: Copy, Copy, Copy
STORY #35: Bloody Mary
STORY #36: Let Me In
STORY #37: Piggyback
STORY #38: Meat Eater
STORY #39: Bangs
STORY #40: Twin Sister 2
STORY #41: Take Care Of My Baby
STORY #42: The Adopted
STORY #43: Messing With The Wrong House
STORY #44: Cuddle Weather
STORY #45: Suicide Note
STORY #46: Food For The Dead
STORY #47: Victim
STORY #48: Unfound
STORY #49: Knock, Knock, Knock
STORY #50: Caregiver
STORY #51: What's On Your Mind?
STORY #52: Back Home
STORY #53: Hit And Run
STORY #54: Smudge
STORY #55: Mirror On The Wall
STORY #56: 13th Floor
STORY #57: Shower At Night
STORY #58: Talk To Stranger
STORY #59: Yes/No
STORY #60: Fangirl
STORY #61: Home Buddy
STORY #62: Intruder/s
STORY #63: Monster Beside You
STORY #64: The Better Half
STORY #66: Knock, Knock, Knock 2
STORY #67: Till Death
STORY #68: When He Saw My Face
STORY #69: Bored In The House
STORY #70: Worms
STORY #71: The One In The Middle
STORY #72: Ben, Ted, Fred
STORY #73: Nightmare/ Dream
STORY #74: Creepy Woman
STORY #75: You're Not That Scary
STORY #76: Couple's Trouble
STORY #77: Pop, Pop, Pop
STORY #78: Jealousy Kills
STORY #79: Full Moon Killer
STORY #80: Pet
STORY #81: Lover's Quarrel
STORY #82: Crashed
STORY #83: Friendly Neighborhood
STORY #84: Lady In The Painting
STORY #85: Hotel de Moon
STORY #86: Mama's Love
STORY #87: All Eyes On Me
STORY #88: Secret Admirer
STORY #89: Birthday Wish
STORY #90: Finders Keepers
STORY #91: Cam On Me
STORY #92: New Housemate
STORY #93: Leave The Door Open
STORY #94: A Friend In Need
STORY #95: I Don't Feel Safe
STORY #96: Last House On That Street
STORY #97: Get The Party Started
STORY #98: How To Cheat Death?
STORY #99: Thy Womb
LAST AUTHOR'S NOTE
STORY #100: 100th Story

STORY #65: The Ring

3.4K 233 26
Par Kuya_Soju

DEDICATED TO: RoxAlynCapulong (Roxalyn)






ISANG embalsamador si Roxalyn sa isang funeral homes sa kanilang bayan. Marunong din siyang mag-make up sa mga patay at magbihis sa mga ito. Bagaman at ganoon ang klase ng trabahong meron siya sa kabila ng pagiging babae niya ay hindi niya iyon ikinakahiya. Iyon ang bumubuhay sa kaniya kahit pa sabihin na nabubuhay siya kapag may namamatay. Siyempre, wala siyang trabaho kung walang mamamatay.

Napunta siya sa trabahong ganito dahil embalsamador din ang tatay niya na ngayon ay nag-retired na sa trabaho. Nasa probinsiya na ito kasama ng kaniyang nanay at silang magkakapatid na nag bumubuhay sa dalawa.

“Roxalyn, may trabaho ka na.”

Napaangat ang mukha ni Roxalyn nang dumating ang kasamahan niyang lalaki. Tulak nito ang isang mortuary stretcher. Sa ibabaw ay may isang bangkay na hindi pa niya masabi kung lalaki o babae.

Nasa kwarto siya kung saan sila nag-eembalsama ng katawan ng tao. Kumakain siya doon ng hapunan. Paborito pa naman niya ang ulam. Nilagang baboy na maraming buto-buto kaya sobrang malasa ng sabaw niyon.

Tumayo siya at tinulungan ang kasamahan sa pagtutulak ng mortuary stretcher.

“Ano ba iyan? Hindi pa kaya ako tapos kumain!” Kunwari ay nagrereklamong turan niya.

“Aba, gusto mong mayari kay boss natin?”

“Joke lang! Ito naman, nagbibiro lang ako!” tinapik pa niya ang lalaki sa likuran. “Sige na, mamaya na ako kakain. Ako na ang bahala dito.”

“Rush iyan, ha. Ayusin mo, Roxalyn.”

“Hoy, anim na taon na ako sa trabahong ito kaya imposibleng hindi maging maayos ang trabaho ko. Sige na, umalis ka na para maumpisahan ko na ito!” pagtataboy niya sa kasamahan.

Iniwan na siya ng kasamahan. Tinakpan muna ni Roxalyn ang pagkain at mamaya na lang iyon uubusin pagkatapos ng kaniyang trabaho. Nilapitan na ni Roxalyn ang kinaroroonan ng patay na eembalsamahin niya. Inalis niya ang puting kumot na nakatakip dito. Doon niya nalaman na isa itong matandang babae.

Puro puti ang buhok na napakahaba. Kulubot na ang buong balat nito sa katawan. Wala iyong saplot kaya kitang-kita niya ang kahubdan. Akala mo ay isa itong papel na nilamukos. Maputla na rin ang balat ng matanda.

May nakita siyang papel na nakasabit sa gilid ng stretcher. Kinuha niya iyon at binasa ang nakasulat. Nakalagay doon na ang request ng pamilya ay gawing natural ang make up at hayaan na nakalugay ang buhok ng matanda.

Kayang-kaya niya iyon. Mas madali nga kapag ganoon kesa sa mga request ng ibang pamilya na gawing kamukha ng isang artista ang bangkay.

Inumpisahan na ni Roxalyn ang kaniyang trabaho. Pinaliguan at dinisenfect muna niya ang bangkay. Pagkatapos ay si-net niya ag mukha nito. Nilagyan niya ng eye cap ang mata upang hindi iyon bumukas. Ganoon din ang ginawa niya sa bibig nito, nilagyan niya ng wiring ang panga nito para manatiling nakatikom ang bibig.

Tiningnan niya muna iyon at nang makitang relaxed at natural na ang mukha ng bangkay ay inumpisahan na niya ang pag-drain sa dugo nito.

Sasaksakan na sana niya ng embalming chemical ang katawan ng bangkay nang mapansin niya ang suot nitong singsing sa kaliwang palasinsingan. Natuon doon ang pansin niya dahil unang tingin pa lang niya sa singsing ay sigurado na siyang mahal iyon. Kulay ginto at puno ng makikinang na diyamante.

Naalala niya ang inuungot ng nanay nila sa probinsiya. Gusto nitong pagawaan ng second floor ang bahay nila sa probinsiya. Kapag siguro isinangla niya ang singsing na iyon ay magkakaroon na siya ng perang pampagawa ng kanilang bahay.

Mabilis na nag-isip si Roxalyn at napagdesisyunan niyang kunin ang singsing sa matanda. Siguro naman ay hindi na iyon hahanapin ng pamilya nito dahil nasa kabaong na ito kapag dadalhin nila sa bahay ng mga ito.

Hinawakan niya ang kamay ng matanda at hinugot ang singsing. Mabilis niya iyong isinilid sa bulsa ng kaniyang pantalon at ipinagpatuloy na ang pag-e-embalsama sa bangkay.

-----ooo-----

ALAS ONSE na ng gabi nakauwi si Roxalyn sa kaniyang bahay mula sa punerarya. Pagod na pagod siya at inaantok na pero hindi pa siya pwedeng matulog dahil sa skin care routine niya. Hindi niya pwedeng i-skip iyon dahil baka hindi tumalab ang ginagamit niyang pampaganda sa mukha.

Habang naghihilamos sa lababo ay naisip niya ang singsing na kinuha niya sa matanda. Binilisan niya ang paghihilamos at nang matapos ay kinuha niya sa hinubad niyang pantalon ang singsing.

Umupo siya sa gilid ng kama at pinagmasdan iyong mabuti. Talagang napakaganda ng singsing. Aabot kaya iyon ng kalahating milyon kapag isinangla o ibinenta niya? Malalaman niya bukas ang sagot. Saktong wala siyang pasok bukas. Makakapunta siya sa mga pawnshop para maipatingin ang singsing na hawak niya kung magkano ba ang value niyon.

“Parang bagay sa akin ito, a…” bulong ni Roxalyn.

Wala sa sarili na isinuot niya ang singsing sa kaliwang palasinsingan. Napangiti siya habang nakatingin doon. Bukod sa bagay sa daliri niya ay parang isinukat iyon sa kaniya. Kasyang-kasya.

“Kung hindi ko lang kailangan ng pera, hindi na kita ibebenta!” palatak niya.

Huhubarin na sana niya ang singsing ngunit hindi niya iyon maalis sa kaniyang daliri. Binigyan niya ng pwersa pero ayaw pa rin. Bigla tuloy siyang kinabahan. Dahil doon ay napatakbo siya sa banyo. Binasa niya ang daliring may singsing ay nilagyan ng liquid soap. Ngunit kahit anong hila niya ay hindi pa rin maalis ang singsing.

“Hala… Bakit ayaw matanggal?” Kinakabahang turan ni Roxalyn.

Nakakapagtaka dahil kanina ay mabilis niya iyong nasuot. Sakto pa nga, e. Bakit ngayon ay parang sumisikip ang singsing sa daliri niya?

Mula sa banyo ay sa kusina naman siya tumakbo. Binuhusan niya ng mantika ang daliri at muling sinubukang tanggalin ang singsing. Ayaw pa rin. Hinugasan na lang niya ang kamay at bumalik na sa kwarto.

May pangamba na humiga si Roxalyn. Paano kung hindi maalis ang singsing sa daliri niya? Paano pa niya iyon maibebenta?

Ang mabuti pa siguro ay bukas na niya ito problemahin. Magpapahinga muna siya.

Ipinikit na ni Roxalyn ang mga mata at pinilit na matulog.

-----ooo-----

NAGISING si Roxalyn dahil sa labis na pananakit ng kaniyang kaliwang palasinsingan. Parang may matigas na bagay na umiipit doon at unti-unting dindurog ang kaniyang buto. Bumaba siya ng kama at binuksan ang ilaw. Napasigaw siya sa hilakbot nang makitang kulay ube na ang daliri niyang may singsing.

“Aray ko. Ang sakit…” daing niya habang gusot ang mukha.

Natataranta na niyang inalis ng pilit ang singsing ngunit hindi pa rin siya nagtagumpay. Madaling araw pa lamang. Saan siya hihingi ng tulong sa ganitong oras?

Hanggang sa may isang malamig na kamay na humawak sa kaniyang kamay. Hindi niya alam kung saan iyon nanggaling. Nakita na lang niya na may kamay na nakahawak sa kaniya na biglang nawala.

Umiiyak sa takot na tumakbo siya palabas ng kwarto. Isang matandang babae na walang saplot ang sumalubong sa kaniya sa may salas. Kulay puti ang mahaba nitong buhok. Kahit hindi niya nakikita ang mukha nito ay alam niyang iyon ang matandang may-ari ng singsing!

Napasigaw siya sa takot dahil alam niyang multo ang nasa harapan niya.

Napaluhod siya. “Sorry po! H-hindi ko po gusto na kunin ang singsing ninyo! Ibabalik ko na po! Alisin niyo na po ito! Sorry po talaga!” iyak niya.

Nagtaka siya nang kusang kumilos ang kaniyang katawan. Tumayo siya at naglakad papunta sa kusina. Nakita niya ang matanda na nakasunod sa kaniya. Hindi sumasayad sa sahig ang mga paa nito. Naririnig pa niya ang mahinang pag-usal nito ng mga salitang hindi niya maintindihan. Isa lang ang sigurado siya—ang matanda ang nagpapagalaw ng kaniyang katawan!

Pinipilit niyang labanan ang pagkilos ng katawan niya ngunit kahit siya mismo ay wala nang kontrol sa sarili. Kumikilos iyon ng labag sa kaniyang kalooban.

Pagdating sa kusina ay dinampot ng kamay niya ang isang kutsilyo. Ipinatong niya sa gilid ng lababo ang kamay kung saan nakasuot ang singsing.

Naghalo na ang luha at pawis sa mukha ni Roxalyn. Takot na takot na siya. Lalo na at alam niyang nasa tabi niya ang matanda. Nakikita niya ito sa gilid ng kaniyang mata. Patuloy ito sa pag-usal ng mga salita.

Hanggang sa umangat ang kamay niyang may hawak sa kutsilyo. Itinapat niya ang talim niyon sa daliring may singsing.

“Tama na! Ayoko na! Ibabalik ko na ang singsing!” Palahaw ni Roxalyn. Kulang na lamang ay maihi siya sa sobrang takot.

“Hindi mo na maibabalik ang kinuha mo!” Narinig niyang sabi ng matanda. Garalgal at malalim ang boses nito.

Walang anu-ano’y itinaas ni Roxalyn ang kutsilyo sa ere. Imbes na sa daliri iyon tumama ay sa leeg niya iyon isinaksak. Nilaslas niya ang sarili niyang leeg. Bumulwak ang masaganang dugo na pumaligo sa buo niyang katawan. Bago bumagsak sa sahig ang katawan ni Roxalyn ay malakas munang humampas ang noo niya sa gilid ng lababo.

-----ooo-----

“KAWAWA namang babae ito. Grabe ang ginawa sa sarili. Nagpakamatay!” Iiling-iling na sabi ng lalaking embalsamador habang nakatingin sa bangkay ni Roxalyn na nakatakda na nitong embalsamahin.

Kukunin na sana niya ang mga gamit niya nang makita niya ang isang magandang singsing na nakasuot sa daliri ng babae. Napukaw niyon ang kaniyang pansin.

Walang pagdadalawang-isip na kinuha ng lalaki ang singsing at ngingiti-ngiting isinuot iyon sa kaniyang daliri.

“Bagay na bagay sa akin, a. Ang gandang singsing naman nito!” Palatak niya.






THE END

Continuer la Lecture

Vous Aimerez Aussi

9.3M 393K 86
"Hindi kami nawawala, Cielo! Nagtatago kami dahil kami nalang ang natitirang buhay! Patay na silang lahat sa taas! Yung mga nandun, hindi na sila ta...
214K 6K 31
Get ready for your FINAL exam! Misteryosong pinapatay ang mga estudyanteng bully sa Santa Clara National High School. Hanggang sa isang grupo ng bull...
62K 2.4K 10
"Paano kung hindi na siya ang dating nanay na iyong kilala?" Kinailangang bumalik ng magkakapatid na sina Rachel, Dylan, Rebecca at Jon sa luma nilan...
1.9M 103K 33
Sampu silang umalis, sampu rin silang bumalik. Ang hindi nila alam, isa sa kanila ang naiwan. Sino ang nagbabalatkayo? Sino ang hunyango? (Watty Awar...